+ -

عن سلمة بن الأكوع رضي الله عنه قال: «أَتَى النَّبِيَّ صلى الله عليه وسلم عَيْنٌ مِنْ الْمُشْرِكِينَ، وَهُوَ فِي سَفَرِهِ، فَجَلَسَ عِنْدَ أَصْحَابِهِ يَتَحَدَّثُ، ثُمَّ انْفَتَلَ، فَقَالَ النَّبِيُّ صلى الله عليه وسلم : اُطْلُبُوهُ وَاقْتُلُوهُ فَقَتَلْتُهُ، فَنَفَّلَنِي سَلَبَهُ». فِي رِوَايَةٍ «فَقَالَ: مَنْ قَتَلَ الرَّجُلَ؟ فَقَالُوا: ابْنُ الأَكْوَعِ فَقَالَ: لَهُ سَلَبُهُ أَجْمَعُ».
[صحيح] - [الرواية الأولى: متفق عليها. الرواية الثانية رواها مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay Salamah bin Al-Akwa`, malugod si Allah sa kanya.-siya ay nagsabi:((Dumating sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang isang mata [tagapagmasid] mula sa mga Mushrikin [ Sumasamba sa mga Diyus-diyosan],habang siya ay nasa paglalakbay niya,Umupo siya sa mga kasamahan niya na nakikipag-usap,Pagkatapos ay biglang nawala,Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:Hanapin ninyo siya at patayin ninyo,Napatay ko siya,binigyan niya ako ng [karagdagan mula sa] Baluti niya))At sa isang salaysay: (( Nagsabi siya: Sino ang nakapatay sa lalaki? Ang sabi nila: Si Ibn Al-Akwa,Nagsabi siya: Sa kanya ang lahat ng Baluti niya))
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Sa Hadith na ito ay pagpapahayag ng Panuntunan sa Islam sa sinumang nag-eespiya sa mga Muslim mula sa mga Hindi mananampalataya na mga mandirigma.Tunay na sinabi ni Salamah bin Al-Akwa`, malugod si Allah sa kanya.-siya ay nagsabi:" Dumating sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang isang mata [tagapagmasid] mula sa mga Mushrikin [ Sumasamba sa mga Diyus-diyosan].: Ang Tagapagmasid ay ang Espiya,tinawag siya nito;dahil ang trabaho niya ay ginagamitan ng mata,o dahil sa tindi ng pagbibigay atensiyon niya sa pagmamasid at pagkalulong niya rito,na para bang ang lahat ng [parte] ng katawan niya ay naging mata na " Habang siya ay" ibig sabihin sa kalagayan na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-" ay sa paglalakbay,Umupo siya": ibig sabihin ay: Ang Espiya: " Sa mga kasamahan niya at nakikipag-usap",pagkatapos ay biglang nawala" ibig sabihin ay : Umalis."Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:Hanapin ninyo siya at patayin ninyo,Napatay ko siya."Binigyan niya ako" ibig sabihin ay:binigyan niya ako ng karagdagan;at ito ay ang natatanging [pagmamay-ari] ng isang lalaki mula sa nadambong.at idinagdag ito sa bahagi niya " Baluti niya" ibig sabihin ay : anumang [bagay] na nasa kanya mula sa damit at sandata.Tinawag siya dito;dahil ito ay [nagsisilbing] baluti sa kanya, At nasasaklaw sa Baluti ang :Ang sasakyan at ang mga bagay dito mula sa siyahan at mga kagamitan;At ang mga bagayn sa hayop [ na sinasakyan] mula sa mga salapi,at ang anumang nasa gitna nito mula sa ginto at pilak.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa Portuges Malayalam
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan