عن عبد الله بن عمرو رضي الله عنهما قال: كان على ثَقَلِ النَّبِيِّ صلى الله عليه وسلم رَجُلٌ يُقالُ له كِرْكِرَةٌ، فماتَ، فقال رسولُ اللهِ صلى الله عليه وسلم : «هو في النَّارِ». فذهبوا ينظرونَ إليهِ، فَوَجَدُوا عَبَاءَةً قَدْ غَلَّهَا
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: May nakatalaga noon sa pasanin ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na isang lalaking tinatawag na Kirkirah at namatay ito. Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Siya ay [papasok] sa Impiyerno." Kaya pumunta sila upang tingnan dahilan nito. Nakatagpo sila ng isang balabal na inumit nito.
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
May nakatalaga sa mga abubot ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na isang lalaking ang pangalan ay Kirkirah at namatay ito. Ipinabatid ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na siya ay mapupunta sa Impiyerno upang pagdusahin dahil sa pagsuway niya o na siya ay mapupunta sa Impiyerno kung hindi magpapaumanhin sa kanya si Allah. Kaya pumunta ang mga Kasamahan upang saliksikin ang dahilan kaugnay roon. Nakatagpo sila ng isang balabal na ninakaw niya mula sa mga nasamsam sa digmaan.