عن عمر بن الخطاب رضي الله عنه مرفوعاً: لما كان يوم خيبر أقبل نَفَرٌ من أصحاب النبي -صلى الله عليه و سلم- فقالوا: فلان شهيد وفلان شهيد. حتى مَرُّوا على رجل فقالوا: فلان شهيد. فقال النبي صلى الله عليه وسلم : "كلا إني رَأَيْتُهُ في النار في بُرْدَةٍ غَلَّهَا أو عباءة".
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allāh sa kanya: Noong araw ng Khybar, may dumating na isang pangkat mula sa mga Kasamahan ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi: "Si Polano ay martir, si Polano ay martir," hanggang naparaan sila sa isang lalaki at nagsabi sila: "Si Polano ay martir," kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Aba'y hindi; tunay na ako ay nakakita sa kanya sa Impiyerno dahil sa isang balabal na inumit niya o isang kapa."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Nagsabi si `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allāh sa kanya: Noong araw ng paglusob sa Khaybar, may dumating sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na mga tao mula sa mga Kasamahan niya, habang sila ay nagsasabi: "Si Polano ay martir, si Polano ay martir," hanggang sa naparaan sila sa isang lalaki at nagsabi sila: "Si Polano ay martir," kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Aba'y hindi; tunay na ako ay nakakita sa kanya sa Impiyerno dahilan sa isang balabal na itinago niya , na ninanais niyang ilaan para sa sarili niya kaya parurusahan siya dahil doon sa apoy ng Impiyerno." Nawala sa kanya ang dakilang katangiang ito, ang pagkamartir sa landas ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan."