+ -

عن أبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«لَا يَحِلُّ لِامْرَأَةٍ مُسْلِمَةٍ تُسَافِرُ مَسِيرَةَ لَيْلَةٍ إِلَّا وَمَعَهَا رَجُلٌ ذُو حُرْمَةٍ مِنْهَا».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 1339]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Hindi ipinahihintulot para sa isang babaing Muslim na maglakbay ng isang distansiya ng isang gabi [na paglalakbay] malibang kapag may kasama sa kanya na isang lalaking may pagkamaḥram sa kanya."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 1339]

Ang pagpapaliwanag

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ipinagbabawal sa babaing Muslim na maglakbay ng distansiya ng isang gabi maliban na may kasama sa kanya na isang lalaking kabilang sa mga maḥram niya.

من فوائد الحديث

  1. Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Ang hindi pagpayag sa paglalakbay ng babae na walang maḥram, at ito ay isang pagkakaisa ng hatol sa hindi ḥajj at `umrah at paglabas sa bayan ng Shirk. Mayroon sa kanila na gumawa niyon bilang bahagi ng mga kundisyon ng pagsasagawa ng ḥajj.
  2. Ang kalubusan ng Batas ng Islām at ang sigasig nito sa pangangalaga sa babae at pagsasanggalang sa kanya.
  3. Ang pananampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay nag-oobliga ng pagpapasakop sa Batas ni Allāh at pagtigil sa tabi ng mga hangganan nito.
  4. Ang mga maḥram ng babae ay ang asawa niya o ang sinumang ipinagbabawal sa kanya nang magpakailanman dahilan sa pagkakamag-anak o pagpapasuso o pagkakamag-anak ng asawa. Ang lalaking ito ay Muslim na adulto (bāligh), na nakapag-uunawa (`āqil), na katiwa-tiwalang pinagkakatiwalaan sapagkat ang pinapakay sa maḥram ay ang pagsanggalang sa babae, ang pangangalaga sa kanya, at ang pagtataguyod sa pumapatungkol sa kanya.
  5. Nagsabi si Imām Al-Bayhaqqīy tungkol sa mga salaysay na nasasaad kaugnay sa yugto ng paglalakbay na hindi maglalakbay rito ang babae malibang kasama ng isang may pagkamaḥram. Ang resulta ay na ang bawat tinatawag na paglalakbay ay pinagbabawalan dito ang babae nang walang kasamang asawa o maḥram, maging ito man ay tatlong araw o dalawang araw o isang araw o sa layong isang barīd o iba pa roon dahil sa pangkalahatang pahiwatig ng salaysay ng Anak ni `Abbās, na siyang panghuli sa mga naunang salaysay ni Imām Muslim: {Hindi maglalakbay ang isang babae malibang kasama ng isang may pagkamaḥram.} Ito ay sumasakop sa lahat ng tinatawag na paglalakbay. Nagtapos dito ang pagsipi. Ang hadith na ito ay alinsunod sa kalagayan ng tagatanong at pinamamayanan niya.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Pushto Asami السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية الدرية الرومانية المجرية الموري Luqadda malgaashka Luqadda kinaadiga الأوكرانية الجورجية المقدونية الخميرية الماراثية
Paglalahad ng mga salin