عَنِ ابْنِ عُمَرَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا قَالَ:
فَرَضَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ زَكَاةَ الفِطْرِ صَاعًا مِنْ تَمْرٍ، أَوْ صَاعًا مِنْ شَعِيرٍ، عَلَى العَبْدِ وَالحُرِّ، وَالذَّكَرِ وَالأُنْثَى، وَالصَّغِيرِ وَالكَبِيرِ مِنَ المُسْلِمِينَ، وَأَمَرَ بِهَا أَنْ تُؤَدَّى قَبْلَ خُرُوجِ النَّاسِ إِلَى الصَّلاَةِ.
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 1503]
المزيــد ...
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi:
{Nagsatungkulin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa zakāh ng pagtigil-ayuno ng isang ṣā` ng datiles o ng isang ṣā` ng sebada, na kailangan sa alipin at malaya, lalaki at babae, at nakababata at nakatatanda kabilang sa mga Muslim. Nag-utos siya nito na ibigay ito bago ng paglabas ng mga tao papunta sa ṣalāh.}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 1503]
Nag-obliga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng zakātul fiṭr (zakāh ng pagtigil-ayuno) matapos ng Ramaḍān. Ito ay katumbas ng sukat ng isang ṣā` na umaabot ang timbang sa apat na mudd. Ang mudd ay isang pagkapuno ng dalawang kamay ng katamtamang lalaki ng datiles o sebada, na kailangan sa bawat Muslim: sa malaya at alipin, lalaki at babae, at nakababata at nakatatanda. Iyon ay ukol sa sinumang nagtaglay ng sumobra sa pagkain ng araw niya at gabi niya alang-alang sa sarili niya at alang-alang sa mga itinataguyod niya. Nag-utos siya na ibigay ito bago ng paglabas ng mga tao papunta sa ṣalāh ng `īd.