+ -

عن أبي سعيد الخُدْريِّ رضي الله عنه قال: "كنا نعطيها في زمن رسول الله صلى الله عليه وسلم صاعًا من طعام، أو صاعًا من شعير، أو صاعًا من أَقِطٍ، أو صاعًا من زبيب، فلما جاء معاوية، وجاءت السَّمْرَاءُ، قال: أرى مُدّاً من هذه يعدل مُدَّيْنِ. قال أبو سعيد: أما أنا: فلا أزال أخرجه كما كنت أخرجه على عهد رسول الله صلى الله عليه وسلم ".
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Kami noon ay nagbibigay sa panahon ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng isang ṣā` ng pagkain o isang ṣā` ng sebada o isang ṣā` ng tuyong keso, o isang ṣā` ng pasas. Noong dumating si Mu`āwiyah at dumating ang trigong Siryano, nagsabi ito: Itinuturing ko na ang isang mudd mula rito ay nakatutumbas ng dalawang mudd [ng ibang trigo]." Nagsabi si Abū Sa`īd: Tungkol naman sa akin, hindi ako tumitigil sa pagtatakal nito gaya ng pagtatakal ko noon sa panahon ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid si Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allah sa kanya, na ang mga tao noon ay nagbibigay ng zakātulfiṭr sa panahon ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na isang ṣā` ng pagkain." Noong dumating si Mu`āwiyah, malugod si Allah sa kanya, sa Madīnah sa panahon ng pagkakhalīfah niya, nagsabi siya: "Itinuturing ko na ang kalahating ṣā` ng trigong Siryano ay nakatutumbas ng isang ṣā` ng ibang trigo." Kaya sumunod ang mga tao sa kanya. Si Abū Sa`īd naman, malugod si Allah sa kanya, ay nagmasama sa pananaw na ito at nanatili sa pagtatakal ng isang ṣā` ng alinmang pagkain gaya ng pagtatakal niya sa panahon ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, bilang pagtatangi sa pagsunod at upang matamo sa pamamagitan ng kawanggawa ang pagpaparami sa hinihiling na ibigay.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Thailand Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية
Paglalahad ng mga salin