عَنْ زَيْدِ بْنِ ثَابِتٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ:
تَسَحَّرْنَا مَعَ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، ثُمَّ قَامَ إِلَى الصَّلاةِ، قُلْتُ: كَمْ كَانَ بَيْنَ الأَذَانِ وَالسَّحُورِ؟ قَالَ: قَدْرُ خَمْسِينَ آيَةً.
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 1921]
المزيــد ...
Ayon kay Zayd bin Thābit (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Kumain kami ng saḥūr kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Pagkatapos tumindig siya papunta sa ṣalāh. Nagsabi ako: "Gaano katagal sa pagitan ng adhān at saḥūr?" Nagsabi siya: "Singtagal [ng pagbigkas] ng limampung talata [ng Qur'ān]."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 1921]
Kumain ng saḥūr ang ilan sa mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Pagkatapos tumindig siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) papunta sa ṣalāh sa madaling-araw. Kaya nagsabi si Anas kay Zayd bin Thābit (malugod si Allāh sa kanya): "Gaano katagal ang sukat ng panahon sa pagitan ng adhān at pagtatapos ng saḥūr?" Nagsabi naman si Anas: "Ang sukat ng pagbigkas ng limampung talata [ng Qur'ān], na katamtaman na hindi mahaba ni maikli at hindi isang pagbigkas na mabilis ni mabagal."