+ -

عن أنس بن مالك رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم «تَسَحَّرُوا؛ فإن في السَّحُورِ بَركة».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Kumain kayo ng saḥūr sapagkat tunay na sa saḥūr ay may biyaya."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ipinag-utos ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang saḥūr, na pagkain at inumin bago magmadaling-araw, bilang paghahanda sa pag-aayuno. Binabanggit niya ang makadiyos na kasanhian nito, ang pagdating ng biyaya. Ang biyaya ay sumasaklaw sa mga kapakinabangan sa Mundo at Kabilang-buhay. Bahagi ng biyaya ng saḥūr ay ang natatamong pagtulong sa pagtalima kay Allāh, pagkataas-taas Niya, sa maghapon. Bahagi rin ng biyaya ng saḥūr ay na ang nag-aayuno, kapag kumain siya ng saḥūr, ay hindi manghihinawang muling mag-ayuno, na salungat sa sinumang hindi nag-ayuno sapagkat tunay na ito ay makatatagpo ng hilahil at hirap na makabibigat sa kanya sa pag-aayuno muli. Bahagi pa rin ng biyaya ng saḥūr ay na ito ay isang pagsamba kapag nilayon dito ang pagpapatulong sa pagtalima kay Allāh, pagkataas-taas Niya, at ang pagsunod sa Sugo, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Si Allāh, sa pagbabatas Niya, ay may mga kasanhian at mga lihim. Kabilang sa pinakadakila sa mga pakinabang sa saḥūr ay ang pagkagising para sa pagdarasal sa madaling-araw. Dahil dito, ipinag-utos niya na ipahuli ang pagkain ng saḥūr nang sa gayon ay hindi makatulog hanggang sa matapos ito at makaligtaan ang pagdarasal sa madaling-araw, na salungat sa sinumang hindi kumain ng saḥūr. Tunay na ang bilang ng mga nagdarasal sa madaling-araw kasama ng kongregasyon sa masjid sa Ramāḍan ay higit na marami kaysa sa ibang buwan dahil sa saḥūr. Taysīr Al-`Allām pahina 317, Tanbīh Al-Afhām tomo 3/417, at Ta’sīs Al-Aḥkām 3/217.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Thailand Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية الرومانية
Paglalahad ng mga salin