عَنْ سَهْلِ بْنِ سَعْدٍ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ أَنَّ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«لَا يَزَالُ النَّاسُ بِخَيْرٍ مَا عَجَّلُوا الْفِطْرَ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 1098]
المزيــد ...
Ayon kay Sahl bin Sa`d (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Hindi matitigil ang mga tao sa pagiging nasa kabutihan hanggat nagmamadali sila sa pagtigil-ayuno."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 1098]
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga tao ay hindi matitigil sa pagiging nasa kabutihan hanggat nagmamadali sila sa pagtigil sa pag-aayuno matapos ng pagkatiyak ng paglubog ng araw. Iyon ay bilang pagsunod sa Sunnah at pagtigil sa hangganan nito.