+ -

عَنْ أَبِي سَعِيدٍ الْخُدْرِيِّ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ قَالَ: سَمِعْتُ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ:
«مَنْ صَامَ يَوْمًا فِي سَبِيلِ اللهِ بَاعَدَ اللهُ وَجْهَهُ عَنِ النَّارِ سَبْعِينَ خَرِيفًا».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 1153]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Ang sinumang nag-ayuno ng isang araw sa landas ni Allāh, magpapalayo si Allāh sa mukha niya sa Impiyerno ng pitumpung taglagas."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 1153]

Ang pagpapaliwanag

Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nag-ayuno ng isang araw sa landas ni Allāh – at sinabing sa pakikibaka at iba pa rito – habang nagpapakawagas kay Allāh dala ng paghahangad ng gantimpala at pabuya mula kay Allāh, tunay na si Allāh dahil sa kabutihang-loob Niya ay magpapalayo sa pagitan ng mukha niya at ng Impiyerno ng pitumpung taon.

من فوائد الحديث

  1. Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Ang kalamangan ng pag-aayuno sa landas ni Allāh ay ipinapatungkol sa sinumang hindi napipinsala dito, hindi nagsasaisang-tabi dahil dito ng isang karapatan, hindi nasisira dahil dito ang pakikipaglaban niya, at hindi ang iba pa rito na mga tungkulin ng pakikipaghamok niya.
  2. Ang paghimok at ang pagpapaibig sa pag-aayuno ng pagkukusang-loob.
  3. Ang pagkakinakailangan ng pagpapakawagas at paghahangad ng kaluguran ni Allāh. Hindi mag-aayuno dala ng pagpapakitang-tao ni ng pagtamo ng isang reputasyon ni para sa mga iba pang pinapakay.
  4. Nagsabi si As-Sindīy: Ang sabi niyang "sa landas ni Allāh" ay nagsasaposibilidad na ang tinutukoy ay ang payak ng pagsasaayos ng layunin at nagsasaposibilidad na ang tinutukoy dito ay na siya ay nag-ayuno sa kalagayan ng pagiging siya ay isang mandirigma. Ang ikalawang kahulugan ay ang kaagad sumasagi sa isip.
  5. Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Ang sabi niyang "pitumpung taglagas" ay tumutukoy sa taglagas, na isang kilalang panahon sa taon. Ang tinutukoy rito ay ang taon. Ang pagtatangi sa taglagas sa pagbanggit bukod sa natitira sa mga panahon (season) – ang tag-init, ang taglamig, at ang tagsibol – ay dahil ang taglagas ay ang pinakamalago sa mga panahon dahil sa pagiging dito inaani ang mga bunga.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Pushto Asami السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية الدرية الرومانية المجرية الموري Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الأوكرانية الجورجية المقدونية الخميرية الماراثية
Paglalahad ng mga salin