عن ابن عباس رضي الله عنهما أن رسول الله صلى الله عليه وسلم صام يوم عاشوراء وأمر بصيامه.
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Ibnu`Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa, ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nag-ayuno sa Araw ng `Āshurā’ at ipinag-utos niya ang pag-aayuno roon.
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Nagkaisa ng pahayag ang mga maalam na ang pag-aayuno sa Araw ng `Āshurā’ ay sunnah at hindi tungkulin. Nagkaiba-iba sila sa hatol nito sa simula ng Islam noong isinabatas ang pag-ayuno nito, bago ang pag-aayuno sa Ramaḍān, kung ang pag-aayuno ba ay tungkulin o hindi? Batay sa pagsasaalang-alang sa katumpakan ng pahayag ng sinumang nagtuturing na ito ay tungkulin, napawalang-bisa na ang pagkatungkulin nito ng mga tumpak na ḥadīth, kabilang sa mga ito: Ayon kay `Ā’ishah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na ang liping Quraysh ay nag-aayuno noon sa Araw ng `Āshurā noong Panahon ng Kamangmangan. Pagkatapos ay ipinag-utos ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang pag-ayuno nito hanggang sa isinatungkulin ang pag-aayuno sa Ramaḍān. Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Ang sinumang nagnais, mag-ayuno siya nito; at ang sinumang nagnais, itigil niya ang pag-aayuno." Itinala ito nina Imām Al-Bukhārīy sa Ṣaḥīḥ niya 3/24 numero 1893 at Imām Muslim sa Ṣaḥīḥ niya 2/792 numero 1125. Tingnan: Sharḥ Muslim 4/8, at Al-Fatḥ 4/246.