+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه : أنّ النبيَّ صلى الله عليه وسلم أُتِيَ لَيْلَةَ أُسْرِيَ بِهِ بِقَدَحَيْنِ مِنْ خَمْرٍ وَلَبَنٍ، فَنَظَرَ إِلَيْهمَا فَأَخَذَ اللَّبَنَ. فَقَالَ جِبريل: الحَمْدُ للهِ الَّذِي هَدَاكَ لِلفِطْرَةِ لَوْ أخَذْتَ الخَمْرَ غَوَتْ أُمَّتُكَ.
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

/]Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay dinalhan noong gabi ng paghatid sa kanya [sa langit] ng dalawang mangkok ng alak at gatas. Tiningnan niya ang dalawang ito at kinuha niya ang gatas. Nagsabi si Jibrīl: "Ang papuri ay ukol kay Allah na nagpatnubay sa iyo sa kalikasan ng pagkalalang; kung sakaling kinuha mo ang alak, nalihis na sana ang kalipunan mo."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ang "Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay dinalhan" ay nangangahulugang dinalhan siya ni Jibrīl. Ang "noong gabi ng paghatid sa kanya [sa langit]" ay nangangahulugang gabi ng pag-akyat [sa langit]. Ang "ng dalawang mangkok ng alak at gatas" ay nangangahulugang puno ang isa sa dalawa ng alak at puno naman ang isa pa ng gatas. Ang "Tiningnan niya ang dalawang ito" ay nangangahulugang para bang siya ay pinapipili sa dalawa at nagabayan siya na piliin ang gatas. "At kinuha niya ang gatas. Nagsabi si JibrIl: Ang papuri ay ukol kay Allah na nagpatnubay sa iyo sa kalikasan ng pagkalalang" ay nangangahulugang pinili mo ang tanda ng Islam at ang pagpapakatuwid. Ginawa ang gatas na tanda roon dahil sa pagiging madaling inumin, mabuti, dalisay, kaaya-aaya para sa iinom, at ligtas ang kahihinatnan. Kung sakaling kinuha mo ang alak, nalihis na sana ang kalipunan mo. Tingnan: Dalīl Al-Fāliḥīn 207/7 at Ṣarḥ Riyāḍ Aṣ-Ṣāliḥīn 462/5.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan