عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ:
أَوْصَانِي خَلِيلِي صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ بِثَلاَثٍ: صِيَامِ ثَلاَثَةِ أَيَّامٍ مِنْ كُلِّ شَهْرٍ، وَرَكْعَتَيِ الضُّحَى، وَأَنْ أُوتِرَ قَبْلَ أَنْ أَنَامَ.
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 1981]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Nagtagubilin sa akin ang kaibigang matalik ko (s) ng tatlo: pag-aayuno ng tatlong araw sa bawat buwan, dalawang rak`ah ng [salah na] ḍuḥā, at na magsagawa ako ng [salah na] witr bago ako matulog.}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 1981]
Nagpapabatid si Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na ang mahal niya at ang kasamahan niya, ang Propeta (s), ay nagtagubilin sa kanya ng tatlong gawain:
1. Pag-aayuno ng tatlong araw sa bawat buwan.
2. Dalawang rak`ah ng [salah na] ḍuḥā bawat araw.
3. Pagsagawa ng [salah na] witr bago matulog at iyon ay ukol sa sinumang nangangamba na hindi magising sa huling bahagi ng gabi.