Talaan ng mga ḥadīth

Ang sinumang nag-ayuno sa Ramaḍān dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang anumang nauna na pagkakasala niya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nagdasal sa Gabi ng Pagtatakda (Laylatulqadr) dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang anumang nauna sa pagkakasala niya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nanatili noon [sa masjid] sa bawat Ramaḍān nang sampung araw. Noong taon na kinuha siya, nanatili siya [sa masjid] nang dalawampung araw.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya,Nagsabi siya: Sinabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan; (Nagsabi si Allah-Kamahal-mahalan siya at kapita-pitagan) ang lahat ng gawain ng anak ni Adam ay sa kanya,Maliban sa pag aayuno,sapagkat ito ay sa Akin, At Ako ang magbibigay ng gantimpala dito,ang pag aayuno ay Panangga,kapag sa araw na nag aayuno ang isa sa inyo,huwag magsalita ng masasama,at huwag makipagtalo,at kapag nangutya ang isa sa inyo o nakipag-away, Magsabi siya na:Ako ay Nag- aayuno:Sumpa man sa nagbigay ng buhay kay Muhammad: Ang hindi magandang hininga ng nag aayuno ay mas mabango para kay Allah,kaysa amoy ng pabango,Sa nag aayuno ay may dalawang kaligayahan na nakakapag-paligaya sa kanila,kapag naghaponan siya,naliligayahan siya sa paghahapunan niya,at kapag nakatagpo niya ang Panginoon niya,naliligayahan siya sa pag-aayuno niya,)).Napagkaisahan ang katumpakan,At ang pananalita na ito,ay salasay ni Imam Al-Bukharie.At sa salaysay mula sa kanya:((Iniiwan niya ang pagkain nito at inumin nito at pag-aasawa nito para sa akin,Ang Pag-aayuno ay sa akin at ako ang magbibigay ng gantimpala dito,at ang isang kabutihan ay katumbas ng sampu na katulad nito))At sa salaysay ni Imam Muslim:(Ang lahat ng mga gawain ng anak ni Adam ay pinaparami,At ang isang kabutihan ay katumbas ng sampung katulad nito,hanggang sa pitong-daang pagpaparami,Nagsabi ang Allah-Pagkataas-taas Niya:(Maliban sa Pag-aayuno,Sapagkat ito ay sa akin, at Ako ang magbibigay ng gantimpala dito,iniiwan niya ang pag-aasawa nito at pagkain nito para sa Akin.Sa nag-aayuno ay may dalawang kaligayahan:Kaligayahan sa paghahapunan niya(AlFitr),at kaligayahan sa pagtagpo niya sa Panginoon niya.At ang hindi magandang hininga ng nag aayuno ay mas-mabango para kay Allah kaysa amoy ng pabango.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsisipag sa huling sampung araw [ng Ramaḍān] ng hindi niya ipinagsisipag sa iba pa rito.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang nag-ayuno sa landas ng Allah ay palalayuin ng Allah ang kanyang mukha mula sa impyerno ng pitumpung taon
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi matitigil ang mga tao sa pagiging nasa kabutihan hanggat nagmamadali sila sa paghinto sa pag-aayuno.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hinding hindi mag-aayuno ang isa sa inyo sa araw ng Biyernes,maliban kapag siya ay nag-ayuno ng isang araw bago ito o [mag-aayuno] sa kasunod nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
"Kumain kami ng saḥūr kasama ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Pagkatapos ay tumindig siya papunta sa dasal." Nagsabi si Anas: "Nagsabi ako kay Zayd: Gaano katagal sa pagitan ng adhān at saḥūr? Nagsabi siya: Singtagal [ng pagbigkas] ng limampung talata [ng Qur'ān]."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsasagawa noon ng i`tikāf sa huling sampung araw ng Ramaḍān hanggang sa bawiin siya ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Pagkatapos ay nagsagawa ng i`tikāf ang mga maybahay niya matapos niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kumain kayo ng saḥūr sapagkat tunay na sa saḥūr ay may biyaya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
May lalaking nagtanong sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: tungkol sa pag-aayuno sa paglalakbay nagsabi siya: "Kung ninais mo, mag-ayuno ka; at kung ninais mo, tumigil ka."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag ninyong unahan ang Ramaḍān ng pag-aayuno ng isang araw o dalawang araw, maliban sa isang taong nag-aayuno na dati ng isang pag-aayuno kaya ayunuhin niya iyon.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay muntik na siyang inaabutan ng Fajr at siya ay nasa kalagayan ng Junub sa kanyang asawa,pagkatapos ay naliligo siya at nag-aayuno
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinagbawal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pag-aayuno sa dalawang araw: Ang Eid Al-Fitr at Eid Al-Adha,at ang pagsuot sa damit na walang butas,at ang pag-upo ng patingkayad ng isang lalaki sa nag-iisang damit,at ang pagsadarasal pagkatapos ng Subh at `Asr
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang nakalimot na siya ay nag-aayuno,nakakain siya naka-inom,ipagpatuloy niya ang pag-aayuno niya,dahil ang nagpakain at nagpa-inom sa kanya ay si Allah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Itong dalawang araw ipinagbawal ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ang pag-aayuno sa kanila: araw ng Fitr niyo mula sa pag-ayuno niyo, at ang ibang araw: Kakain kayo sa araw na yan mula sa pag-aalay niyo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagtagubilin sa akin ang kaibigang matalik ko, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng tatlo: pag-aayuno ng tatlong araw sa bawat buwan, dalawang rak`ah ng ḍuḥā, at na magsagawa ako ng witr bago ako matulog.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Isabuhay niyo ang Laylatul Qad'r sa mga gabi ng Wit'r sa huling sampung araw
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag lumapit ang gabi mula rito at lumayo ang maghapon mula rito, titigil nga sa pag-aayuno ang nag-aayuno.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Oh Sugo ni Allah, katotohanan ako ay nakasumpa sa panahon ng kamangmangan na mag-i'tikaf (pamamalagi sa masjid upang magsagawa ng ibadah) sa isang gabi, at sa isang salaysay: sa isang araw- sa Masjid Haram? ang sabi Niya: Kung ganon tuparin mo ang iyong sumpa.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nakita ninyo ito ay mag-ayuno kayo,at kapag nakita ninyo ito ay huminto kayo sa pag-aayuno,at kapag ito ay natakpan sa inyo,gawin ninyong ganap ang bilang sa kanya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag pumasok ang sampung [huling araw ng Ramaḍān], ay nagpupuyat sa gabi, nanggigising ng mag-anak niya, nagpapakasigasig, at naglalaan ng sarili.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang makakakaya sa pagpapamilya ay mag-asawa siya sapagkat tunay na ito ay higit na pumipigil sa [bawal na] tingin at higit na nangangalaga sa ari. Ang sinumang hindi makakakaya, kailangan sa kanya ang pag-aayuno sapagkat tunay na ito para sa kanya ay pampigil."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakagalante sa mga tao. Siya noon ay ang pinakagalante sa Ramaḍān kapag nakikipagtagpo sa kanya si Anghel Gabriel
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi ginawa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na mag-ayuno ng maraming beses sa mga buwan maliban sa Sha`ban
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
At kung mananatili pa ako sa hinaharap,talagang mag-aayuno ako sa ika-siyam
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag dumating ang Ramaḍān, binubuksan ang mga pinto ng Paraiso, ipinipinid ang mga pinto ng Impiyerno, at iginagapos ang mga demonyo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nag-ayuno sa Araw ng `Āshurā’
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ako ay si Ḍimām bin Tha`labah na kapatid ng angkan ni Sa`d bin Bakr."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na si Bilal ay tumatawag ng Azan sa gabi;kaya kumain kayo at uminom kayo hanggang sa marinig ninyo ang Azan ng anak ni Ummu Maktum
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ano ang mayroon sa nareregla,na nagbabayad ng pag-aayuno at hindi nagbabayad ng pagdarasal?Nagsabi siya: Ikaw ba ay tumatanggi? Sinabi kong: Hindi ako tumatanggi,subalit ako ay nagtatanong lamang.Nagsabi siya: Ito ay dumarating sa amin,at ipinag-utos sa amin na magbayad sa pag-aayuno at hindi ipinag-utos sa amin na magbayad sa pagdarasal
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanan sa Paraiso ay may matatagpuang pintuan na tinatawag na :Arrayān,Papasok rito ang mga nag-ayuno,sa Araw ng Pagkabuhay,Walang nakakapasok rito na iba maliban sa kanila,Sinasabing:Nasaan na ang mga nag-ayuno?Tatayo sila, Walang nakakapasok rito na iba maliban sa kanila,At kapag nakapasok sila,isasarado ito,at walang makakapasok kahit na isa
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay hindi nag-aayuno sa loob ng isang buwan hanggang sa inaakala naming hindi siya nag-aayuno rito,At Nag-aayuno siya hanggang sa aakalain naming hindi siya sumisira [sa pag-aayunong ito] kahit na isang beses lang,At walang gabing [lumilipas na] gusto mo siyang makitang nagdarasal maliban sa siya`y makikita mo,at walang [ gabing gusto mo siyang makita sa ] pagtulog maliban sa siya`y makikita mo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
-Nag-unahan ang hindi nag-aayuno sa araw na ito sa mga gantimpala
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nagsagawa ng i`tikāf kasama ko ay magsagawa siya ng i`tikāf sa huling sampung araw sapagkat ipinaalam nga sa akin ang gabing ito, pagkatapos ay ipinalimot sa akin ito. Nakita ko nga na ako ay nagpapatirapa sa tubig at putik nang umaga niyon kaya hanapin ninyo ito sa huling sampung araw
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Panghawakan ninyo ang kapahintulutan ni Allāh na ipinahintulot Niya para sa inyo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Lumisan kami kasama ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa buwan ng Ramaḍān sa matinding init hanggang sa ang isa amin ay talagang naglalagay ng kamay niya sa ulo niya dala ng tindi ng init. Wala sa aming nag-aayuno maliban ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at si `Abdullāh bin Rawāḥah.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinagbawal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pagpapatuloy [ng pag-aayuno sa dalawang magkasunod na araw].Nagsabi sila: Tunay na ikaw ay nagpatuloy? Nagsabi siya: Ako ay hindi katulad sa katangian ninyo,Ako ay pinapakain at pinapainom
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinagbawal ba ng Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-ang pag-aayuno sa araw ng Biyernes? Nagsabi siya: Oo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinuman ang mamatay at sa kanya ay may [naiwang] obligadong pag-aayuno,Mag-aayuno para sa kanya ang kamag-anak nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang pinakamamahal para kay Allah na pag-aayuno,ay ang pag-aayuno ni Propeta Dawud,at ang pinakamamahal na pagdarasal kay Allah ay ang pagdarasal ni Propeta Dawud,siya ay natutulog sa kalahati ng gabi,at nagdarasal sa isang katlo nito,at natutulog sa isang anim nito,at siya ay nag-aayuno sa isang araw at hindi nag-aayuno sa [susunod] na araw
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang dalawang lalaki mula sa mga kasamahan ni Muhammad pagpalain siya ni Allah at pangalagaan silang dalawa ay hindi nagkulang sa paggawa ng kabutihan,
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsisikap na mag-ayuno sa Lunes at Huwebes
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay kumakain ng Iftar bago magdasal, ng mga Rutab
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nag-ayuno sa landas ni Allah, maglalagay si Allah sa pagitan niya at ng Impiyerno ng isang kanal [na ang luwang ay] gaya ng sa pagitan ng langit at lupa.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag mag-aayuno ka sa isang buwan nang tatlong araw, mag-ayuno ka sa ikalabintatlo, ikalabing-apat, at ikalabinlimang araw.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
"Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nag-aayuno ba noon sa bawat buwan ng tatlong araw?" Nagsabi ito: "Oo."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
"Tunay na ang demonyo ay dumadaloy mula sa anak ni Adan gaya ng pagdaloy ng dugo at tunay na ako ay natakot na pumukol siya sa mga puso ninyong dalawa ng kasamaan," o nagsabi siya: "...ng anuman."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Iniaalay ang amg gawain sa araw ng Lunes at Huwebes,at ibig ko na ialay
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
"Nakakita ako ng panagini ninyo na nagsang-ayunan sa huling pitong gabi. Kaya ang sinumang naging naghahanap nito, hanapin niya ito sa huling ikapitong gabi."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu