عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «لا تَقَدَّمُوا رمضان بصوم يوم، أو يومين إلا رجلًا كان يصوم صومًا فَلْيَصُمْهُ».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Huwag ninyong unahan ang Ramaḍān ng pag-aayuno ng isang araw o dalawang araw, maliban sa isang taong nag-aayuno na dati ng isang pag-aayuno kaya ayunuhin niya iyon."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Sa ḥadīth na ito ay nagpapabatid si Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal sa pag-una ng pag-aayuno ng isang araw o dalawang araw maliban sa isang taong may kaugaliang mag-ayuno sa isang takdang araw gaya ng sa araw ng Lunes, halimbawa, at natapat iyon bago ang Ramaḍān ng isa o dalawang araw kaya ayunuhin niya iyon at walang masama roon sa sandaling iyon dahil sa paglaho ng ipinagbabawal: ang pagsasagawa roon ng hindi naman bahagi ng pagsamba. Tanbīh Al-Afhām tomo 3/413, Taysīr Al-`Allām pahina 313, at Ta’sīs Al-Aḥkām 3/210.