+ -

عن عائشة رضي الله عنها : "أن حَمْزَةَ بن عَمْرٍو الأَسْلَمِيَّ قال للنبي صلى الله عليه وسلم : أصوم في السفر؟ - وكان كثير الصيام- فقال: "إن شئتَ فصُم، وإن شئت فَأَفْطِرْ".
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya: Si Ḥamzah bin `Amr Al-Aslamīy ay nagsabi sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: “Mag-aayuno po ako sa paglalakbay?” Ito noon ay madalas mag-ayuno kaya nagsabi siya: "Kung ninais mo, mag-ayuno ka; at kung ninais mo, tumigil ka."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ipinabatid ni `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya, na si Ḥamzah bin `Amr Al-Aslamīy, malugod si Allāh sa kanya, ay nagpabatid sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kung siya ba ay mag-aayuno sa paglalakbay? Pinapili siya ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa pag-aayuno o pagtigil sapagkat sinabi niya: "Kung ninais mo, mag-ayuno ka; at kung ninais mo, tumigil ka." Ang tinutukoy nito sa pag-aayuno rito ay ang pag-aayunong isinatungkulin dahil ang sabi ng Propeta: "Ito ay kapahintulutan mula kay Allāh." Ito ay nakadarama na siya ay nagtanong tungkol sa pag-aayunong isinatungkulin. Nagpapatunay roon ang itinala ni Imām Abū Dāwud: "Nagsabi ito, malugod si Allāh dito: O Sugo ni Allāh, tunay na ako ay may sasakyang pinatatakbo ko; naglalakbay ako sakay nito, at pinauupahan ko ito. Tunay na natapat sa akin ang buwang ito - tinutukoy niya ang Ramaḍān - habang ako ay nagtataglay ng lakas." Mula rito, lumilinaw na ang pagtigil sa pag-aayuno sa paglalakbay ay isang kapahintulutan mula kay Allāh. Kaya ang sinumang nagsagawa ng kapahintulutan, tama siya; at ang sinumang nag-ayuno, ipinahihintulot sa kanya iyon at itinuturing na ang pag-aayuno niya ay humantong sa isinasatungkulin sa kanya. Taysīr Al-`Allām pahina 325, Tanbīh Al-Afhām tomo 3/429-510, at Ta’sīs Al-Aḥkām 3/237.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa Portuges
Paglalahad ng mga salin