عن أَبِي الدَّرْدَاءِ رضي الله عنه قال: «خَرَجْنَا مع رسول الله صلى الله عليه وسلم في شهر رمضان، في حَرٍّ شَدِيدٍ ، حتى إن كان أَحَدُنَا لَيَضَعُ يَدَهُ على رأسهِ من شِدَّةِ الْحَرِّ. وما فِينَا صائمٌ إلا رسولُ الله صلى الله عليه وسلم وعبد ُالله بن رَوَاحَةَ».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Ad-Dardā', malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Lumisan kami kasama ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa buwan ng Ramaḍān sa matinding init hanggang sa ang isa amin ay talagang naglalagay ng kamay niya sa ulo niya dala ng tindi ng init. Wala sa aming nag-aayuno maliban ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at si `Abdullāh bin Rawāḥah.
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Nagpapabatid si Abū Ad-Dardā', malugod si Allāh sa kanya, na sila ay lumisan sa isang paglalakbay sa buwan ng Ramaḍān. Iyon noon ay nasa panahon ng isang matinding init hanggang sa tunay na dala ng tindi ng init ay talagang naglalagay ng kamay ang lalaki sa ulo niya upang ipagsanggalang ang ulo niya gamit ang kamay niya laban sa tindi ng init. Wala sa kanilang nag-aayuno maliban ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at si `Abdullāh bin Rawāḥah Al-Anṣārīy, malugod si Allāh sa kanya. Tiniis nga nilang dalawa ang tindi ng init at nag-ayuno, na kabilang sa nagpapatunay sa pagpapahintulot sa pag-aayuno sa paglalakbay sa kabila ng hirap na hindi humahantong sa hangganan ng kapahamakan. Taysīr Al-`Allām pahina 327, Tanbīh Al-Afhām tomo 3/432, at Ta’sīs Al-Aḥkām 3/241.