عَنْ عَائِشَةَ أُمِّ المؤْمِنينَ رَضِيَ اللهُ عَنْهَا:
كَانَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَجْتَهِدُ فِي الْعَشْرِ الْأَوَاخِرِ مَا لَا يَجْتَهِدُ فِي غَيْرِهِ.
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 1175]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya):
{Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsisipag sa huling sampung araw [ng Ramaḍān] ng hindi niya ipinagsisipag sa iba pa rito.}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 1175]
Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag dumating ang huling sampung araw ng Ramaḍān, ay nagsisipag sa mga ito sa pagsamba at pagtalima at nagpapalabis sa mga uri ng mga kabutihan at mga klase ng mga pagsasamabuting-loob at mga pagsamba higit kaysa sa pagsisipag niya sa iba rito. Iyon ay dahil sa kadakilaan at kainaman ng mga gabing iyon at dala ng paghahangad sa Gabi ng Pagtatakda.