عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه قَالَ: سَمِعْتُ رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ:
«كُلُّ أُمَّتِي مُعَافًى إِلَّا المُجَاهِرِينَ، وَإِنَّ مِنَ المُجَاهَرَةِ أَنْ يَعْمَلَ الرَّجُلُ بِاللَّيْلِ عَمَلًا، ثُمَّ يُصْبِحَ وَقَدْ سَتَرَهُ اللَّهُ عَلَيْهِ، فَيَقُولَ: يَا فُلاَنُ، عَمِلْتُ البَارِحَةَ كَذَا وَكَذَا، وَقَدْ بَاتَ يَسْتُرُهُ رَبُّهُ، وَيُصْبِحُ يَكْشِفُ سِتْرَ اللَّهِ عَنْهُ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 6069]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Ang lahat ng kalipunan ko ay mapagpapaumanhinan maliban sa mga naglalantad [ng kasalanan]. Tunay na kabilang sa paglalantad [ng kasalanan] na gumawa ang tao sa gabi ng isang [masamang] gawain pagkatapos magpaumaga siya habang napagtakpan na siya ni Allāh roon saka magsabi naman siya: 'O Polano, nakagawa ako kahapon ng ganito at gayon,' habang nagpamagdamag nga siya habang napagtakpan na siya ng Panginoon niya at mag-uumaga siya na magbubunyag ng pinagtakpan ni Allāh sa kanya."}

[Tumpak] - [Nagkasang-ayon sa katumpakan nito] - [Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy - 6069]

Ang pagpapaliwanag

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Muslim na nagkakasala ay maaasahan sa kanya ang paumanhin ni Allāh at ang kapatawaran Nito maliban ang naghahayag ng pagsuway dala ng pagmamayabang at kabastusan sapagkat hindi siya nagiging karapat-dapat sa paumanhin yayamang gumagawa siya ng pagsuway sa gabi, pagkatapos mag-uumaga siya habang napagtakpan na siya ni Allāh saka nagsasanaysay naman siya sa iba sa kanya na siya ay gumawa ng gayong pagsuway kahapon habang nagpamagdamag nga siya habang napagtakpan na siya ng Panginoon niya at mag-uumaga siya na magbubunyag ng pinagtakpan ni Allāh sa kanya!

من فوائد الحديث

  1. Ang kapangitan ng paglalantad ng pagsuway matapos ng pagtatakip ni Allāh (napakataas Siya) sa kanya.
  2. Sa paglalantad ng pagsuway ay may pagpapalaganap ng kahalayan sa gitna na mga mananampalataya.
  3. Ang sinumang pinagtakpan ni Allāh sa Mundo ay pagtatakpan Niya sa Kabilang-buhay. Ito ay bahagi ng lawak ng awa ni Allāh (napakataas Siya) sa mga lingkod Niya.
  4. Ang sinumang sinubok sa isang pagsuway, kailangan sa kanya na magtakip sa sarili niya at magbalik-loob kay Allāh.
  5. Ang bigat ng pagkakasala ng mga naglalantad ng kasalanan na nananadya ng paghahayag ng mga pagsuway at nagpapaalpas sa mga sarili nila ng pagpapaumanhin.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Thailand Aleman Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية الجورجية المقدونية الخميرية الماراثية
Paglalahad ng mga salin