+ -

عن عبد الله بن عمرو بن العاص رضي الله عنهما عن النبي صلى الله عليه وسلم قال:
«الْكَبَائِرُ: الْإِشْرَاكُ بِاللهِ، وَعُقُوقُ الْوَالِدَيْنِ، وَقَتْلُ النَّفْسِ، وَالْيَمِينُ الْغَمُوسُ».

[صحيح] - [رواه البخاري] - [صحيح البخاري: 6675]
المزيــد ...

Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Ang malalaking kasalanan ay ang pagtatambal kay Allāh, ang kasutilan sa mga magulang, ang pagpatay ng buhay, at ang panunumpang mapagpalublob."}

[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy] - [صحيح البخاري - 6675]

Ang pagpapaliwanag

Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang malalaki sa mga pagkakasala ay ang pinagbabantaan ang tagagawa ng mga ito ng isang matinding banta sa Mundo at Kabilang-buhay.
UNA: Ang Pagtatambal kay Allāh. Ito ay ang pagbaling ng alinmang uri kabilang sa mga uri ng pagsamba sa iba pa kay Allāh at ang pagpapantay ng iba pa kay Allāh kay Allāh sa pagkadiyos Niya, pagkapanginoon Niya, at mga pangalan Niya at mga katangian Niya.
IKALAWA: Ang Kasutilan sa mga Magulang. Ito ay ang bawat nag-oobliga ng perhuwisyo sa mga magulang sa salita man o sa gawa at ang pagwaksi ng paggawa ng maganda sa kanila.
IKATLO: Ang Pagpatay ng Buhay. Ito ay kung walang katwiran, gaya ng pagpatay dala ng kawalang-katarungan at dala ng pangangaway.
IKAAPAT: Ang Panunumpang Mapagpalublob. Ito ay ang panunumpa nang pasinungaling sa kabila ng kaalamang mula sa kanya hinggil sa kasinungalingan nito. Tinawag itong gayon dahil ito ay maglulublob sa tagagawa nito sa kasalanan o sa Apoy.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف Luqadda Asariga الأوكرانية الجورجية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang panunumpang mapagpalublob ay walang panakip-sala para rito dahil sa tindi ng panganib nito at pagkakrimen nito. Tanging ang mayroon dito ay ang pagbabalik-loob.
  2. Ang pagkakasya sa pagbanggit sa apat na malaking kasalanang ito sa ḥadīth ay dahil sa kabigatan ng kasalanan sa mga ito at hindi para sa paglilimita sa mga ito.
  3. Ang mga pagkakasala ay nahahati sa malalaki at maliliit. Ang malaki ay ang bawat pagkakasala na may kaparusahang pangmundo gaya ng mga takdang parusa at pagsumpa; o may bantang pangkabilang-buhay gaya ng banta ng pagpasok sa Impiyerno. Ang malalaking kasalan ay mga nibel, na ang iba sa mga ito ay higit na mabagsik kaysa sa iba sa pagbabawal samantalang ang maliliit sa mga pagkakasala ay ang iba sa malalaking kasalanan.