عَنْ أَبِي سَعِيدٍ الخُدْرِيِّ رضي الله عنه أَنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«إِنَّ مِنْ أَعْظَمِ الجِهَادِ كَلِمَةَ عَدْلٍ عِنْدَ سُلْطَانٍ جَائِرٍ».
[حسن لغيره] - [رواه أبو داود والترمذي وابن ماجه وأحمد] - [سنن الترمذي: 2174]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Tunay na kabilang sa pinakadakilang pakikibaka ang isang pangungusap ng katarungan sa harap ng isang pinunong mapang-api."}
[Maganda dahil sa iba pa rito] - - [سنن الترمذي - 2174]
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kabilang sa pinakadakila at pinakakapaki-pakinabang sa mga uri ng pakikibaka sa landas ni Allāh (napakataas Siya) ay ang isang pangungusap ng katarungan at katotohanan sa harap ng isang pinuno o isang prinsipeng mapang-api dahil ito ay paggawa ng tungkulin ng pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway sa nakasasama, maging ito man ay sa pagsasabi o pagsusulat o paggawa o iba pa rito na kabilang sa anumang natatamo sa pamamagitan nito ang kaayusan at naitutulak ang kaguluhan.