+ -

عَنِ النُّعْمَانِ بْنِ بَشِيرٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«مَثَلُ القَائِمِ عَلَى حُدُودِ اللَّهِ وَالوَاقِعِ فِيهَا، كَمَثَلِ قَوْمٍ اسْتَهَمُوا عَلَى سَفِينَةٍ، فَأَصَابَ بَعْضُهُمْ أَعْلاَهَا وَبَعْضُهُمْ أَسْفَلَهَا، فَكَانَ الَّذِينَ فِي أَسْفَلِهَا إِذَا اسْتَقَوْا مِنَ المَاءِ مَرُّوا عَلَى مَنْ فَوْقَهُمْ، فَقَالُوا: لَوْ أَنَّا خَرَقْنَا فِي نَصِيبِنَا خَرْقًا وَلَمْ نُؤْذِ مَنْ فَوْقَنَا، فَإِنْ يَتْرُكُوهُمْ وَمَا أَرَادُوا هَلَكُوا جَمِيعًا، وَإِنْ أَخَذُوا عَلَى أَيْدِيهِمْ نَجَوْا، وَنَجَوْا جَمِيعًا».

[صحيح] - [رواه البخاري] - [صحيح البخاري: 2493]
المزيــد ...

Ayon kay An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
{Ang paghahalintulad sa tumatayo sa mga hangganan ni Allāh at bumabagsak sa mga ito ay katulad ng mga taong nagpalabunutan sa pagsakay sa isang daong kaya nakabunot ang ilan sa kanila ng mataas nito at ang iba sa kanila naman ng mababa nito. Ang mga nasa mababa nito, kapag sasalok ng tubig, ay nagdaraan sa mga nasa ibabaw ng mga ito saka nagsasabi: "Kung sakaling kami ay bumutas sa bahagi namin ng isang butas at hindi na makaperhuwisyo sa mga nasa itaas namin..." Kung hinayaan nila ang mga ito at ang ninais ng mga ito, mapahahamak silang lahat; at kung pumigil sila sa mga kamay ng mga ito, maliligtas sila at maliligtas ang mga ito nang lahatan.}

[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy] - [صحيح البخاري - 2493]

Ang pagpapaliwanag

Naglahad ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang paghahalintulad para sa mga tumatayo sa mga hangganan ni Allāh, na mga nagpapakatuwid sa utos ni Allāh, na nag-uutos ng nakabubuti at sumasaway sa nakasasama; at ng paghahalintulad sa mga bumabagsak sa mga hangganan ni Allāh, na mga nagwawaksi ng nakabubuti, na mga gumagawa ng nakasasama. Ang epekto niyon sa kaligtasan ng lipunan ay katulad ng mga taong sumakay sa isang daong saka nagpalabunutan sila sa kung sino ang uupo sa mataas na bahagi ng daong at kung sino ang uupo sa mababang bahagi nito. Kaya naman nagtamo ang ilan sa kanila ng mataas nito at ang iba sa kanila ng mababa nito naman. Ang mga nasa mababa, kapag nagnais silang kumuha ng tubig, ay nagdaraan sa mga nasa ibabaw ng mga ito. Kaya nagsabi ang mga nasa mababang bahagi: "Kung sakaling kami ay bumutas ng isang butas sa puwesto namin sa mababang bahagi, na pagsasalukan namin nang sa gayon hindi na kami makaperhuwisyo sa mga nasa ibabaw namin." Ngunit kung sakaling hinayaan ang mga ito ng mga nasa mataas na bahagi na gumawa niyon, talaga sanang lumubog ang daong kasabay nilang lahat; at kung sakaling nagsagawa sila ng pagsaway sa mga ito laban doon at pumigil sila sa mga ito, talaga sanang naligtas ang dalawang pangkat nang lahatan.

من فوائد الحديث

  1. Ang kahalagahan ng pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway sa nakasasama sa pangangalaga sa mga lipunan at kaligtasan ng mga ito.
  2. Kabilang sa mga pamamaraan ng pagtuturo ang paglalahad ng mga paghahalintulad para sa pagpapalapit ng mga kahulugan sa mga isip sa anyong nadarama.
  3. Ang paggawa ng nakasasamang nakalantad kasama ng kawalan ng pagmamasama rito ay isang katiwalian na nagdudulot sa lahat ng kapinsalaan.
  4. Ang kasawian ng lipunan ay inireresulta ng pagwaksi ng mga kampon ng nakasasama na nagsasanhi sa lupa ng kaguluhan.
  5. Ang maling pag-aasal at ang magandang layunin ay hindi sumasapat sa kaayusan ng gawain.
  6. Ang responsibilidad sa lipunang Muslim ay komun, na hindi nakasalalay sa isang individuwal mismo.
  7. Ang pagdudulot ng pagdurusa sa madlang tao dahil sa pagkakasala ng piling tao kung hindi minasama.
  8. Ang mga kampon ng nakasasama ay naglalantad ng nakasasamang gawa nila sa isang porma ng kabutihan para sa lipunan gaya ng mga kampon ng pagpapaimbabaw.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Aleman Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف Luqadda Asariga الأوكرانية الجورجية المقدونية
Paglalahad ng mga salin