+ -

عن المِقْدَادُ رضي الله عنه في حديثه الطويل: كنا نَرَفَعُ للنبي صلى الله عليه وسلم نَصِيبَهُ من اللَّبَنِ ، فَيَجِيءُ من الليل، فَيُسَلِّمُ تسليما لا يُوقِظُ نائما، ويُسْمِعُ اليَقْظَانَ، فجاء النبي صلى الله عليه وسلم فَسَلَّمَ كما كان يُسَلِّمُ.
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Kami noon ay naglalaan para sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng bahagi niya sa gatas, at pumupunta siya sa gabi at bumabati ng pagbating hindi siya nanggigising ng tulog at ipinaririnig niya sa gising. Dumarating ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at bumabati gaya ng pagbati niya dati.
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Si Al-Miqdād noon at mga kasama niya, malugod si Allah sa kanila, matapos nilang gatasan ang tupa at inumin ang bahagi nila sa gatas, ay naglalaan ng bahagi niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, upang pumunta siya upang inumin ito. Siya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kapag pumupunta sa kanila sa gabi samantalang sila ay tulog, ay bumabati sa kanila ng pagbating may tinig na katamtaman sa pagitang ng pinakamahinang maririnig at higit dito kung saan hindi siya nakagigising ng isang natutulog samantalang naiparirinig niya gising sa kanila.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Tamil
Paglalahad ng mga salin