+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم:
«مَنْ يَقُمْ لَيْلَةَ الْقَدْرِ إِيمَانًا وَاحْتِسَابًا غُفِرَ لَهُ مَا تَقَدَّمَ مِنْ ذَنْبِهِ»

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 35]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang sinumang nagdasal sa Gabi ng Pagtatakda (Laylatulqadr) dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang anumang nauna sa pagkakasala niya."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 35]

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa kainaman ng pagdarasal sa Gabi ng Pagtatakda na nangyayari sa huling sampung araw ng Ramaḍān at na ang sinumang nagsumikap sa mga gabing ito sa pagdarasal, panalangin, pagbabasa ng Qur'ān, at pagsambit ng dhikr habang sumasampalataya sa mga ito at sa nasaad kaugnay sa kainaman ng mga ito, habang umaasa sa pamamagitan ng gawa niya sa gantimpala ni Allāh, hindi dala ng pagpapakitang-tao ni pagpaparinig sa tao, tunay na patatawarin sa kanya ang nauna sa mga pagkakasala niya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang kainaman ng Gabi ng Pagtatakda at ang paghimok sa pagdarasal sa gabi nito.
  2. Ang mga maayos na gawa ay hindi tinatanggap malibang may kasamang katapatan ng layunin.
  3. Ang kabutihang-loob ni Allāh at ang awa Niya sapagkat tunay na ang sinumang nagdasal sa Gabi ng Pagtatakda dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang nauna sa pagkakasala niya.