عن جابر رضي الله عنه عن النبي صلى الله عليه وسلم قال: «من قال: سُبحان الله وبِحَمْدِه، غُرِسَتْ له نَخْلة في الجنة».
[صحيح] - [رواه الترمذي بزيادة: (العظيم)، وهذا لفظ الطبراني]
المزيــد ...
Ayon kay Jābir, malugod si Allāh sa kanya: "Ang sinumang nagsabi ng Subḥāna -llāhi wa biḥamdih (napakamaluwalhati ni Allāh at kalakip ng papuri sa Kanya), magtatanim para sa kanya ng isang punong datiles sa Paraiso."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinalaysay ito ni Imām Aṭ-Ṭabrānīy]
Ipinababatid sa atin ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na ang sinumang nagluwalhati kay Allāh at nagsabi ng Subḥāna -llāhi wa biḥamdih (napakamaluwalhati ni Allāh at kalakip ng papuri sa Kanya), magtatanim para sa kanya ng isang punong datiles sa Paraiso para sa bawat pagluluwalhating sinabi.