عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم:
«مَنْ يُرِدِ اللهُ بِهِ خَيْرًا يُصِبْ مِنْهُ».
[صحيح] - [رواه البخاري] - [صحيح البخاري: 5645]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang sinumang nagnanais si Allāh sa kanya ng isang kabutihan, magpapatama Siya [rito ng pagsubok] mula sa Kanya."}
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy] - [صحيح البخاري - 5645]
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh, kapag nagnais Siya sa isa sa mga mananampalatayang lingkod Niya ng isang kabutihan, susubok Siya sa kanila sa mga sarili nila, mga ari-arian nila, at mag-anak nila ng nangyayari rito sa mananampalataya na pagdulog sa Kanya sa pamamagitan ng pagdalangin, pagtatakip-sala sa mga masagwang gawa, at pag-angat sa mga antas.