عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«الْمُؤْمِنُ الْقَوِيُّ، خَيْرٌ وَأَحَبُّ إِلَى اللهِ مِنَ الْمُؤْمِنِ الضَّعِيفِ، وَفِي كُلٍّ خَيْرٌ، احْرِصْ عَلَى مَا يَنْفَعُكَ، وَاسْتَعِنْ بِاللهِ وَلَا تَعْجَزْ، وَإِنْ أَصَابَكَ شَيْءٌ، فَلَا تَقُلْ لَوْ أَنِّي فَعَلْتُ كَانَ كَذَا وَكَذَا، وَلَكِنْ قُلْ قَدَرُ اللهِ وَمَا شَاءَ فَعَلَ، فَإِنَّ (لَوْ) تَفْتَحُ عَمَلَ الشَّيْطَانِ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2664]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang mananampalatayang malakas ay higit na mabuti at higit na kaibig-ibig kay Allāh kaysa sa mananampalatayang mahina. Sa bawat kabutihan, magsigasig ka sa magpapakinabang sa iyo, magpatulong ka kay Allāh, at huwag kang panghinaan. Kung may tumama sa iyo na anuman ay huwag kang magsabi: 'Kung sakaling ako ay gumawa ng ganito, naging ganito at ganito sana,' subalit magsabi ka: 'Ang pagtatakda ni Allāh at ang anumang niloob Niya ay ginawa Niya,' sapagkat tunay na [ang katagang] 'kung sakali' ay nagbubukas sa gawain ng demonyo."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2664]
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mananampalataya ay mabuti sa kabuuan nito subalit ang mananampalatayang malakas sa pananampalataya nito, pagtitika nito, yaman nito, at iba pa sa mga ito kabilang sa mga anyo ng lakas ay higit na mabuti at higit na kaibig-ibig kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) kaysa sa mananampalatayang mahina. Pagkatapos nagtagubilin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mananampalataya ng paggamit ng mga kadahilanan sa magpapakinabang sa kanya na mga nauukol sa Mundo at Kabilang-buhay, kasama ng pag-asa kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya), pagpapatulong sa Kanya, at pananalig sa Kanya. Pagkatapos sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa panghihina, katamaran, at pagbibigat-bigatan sa paggawa ng magpapakinabang sa kanya sa Mundo at Kabilang-buhay. Kaya kapag nagsumikap ang mananampalataya sa gawain, gumamit ng mga kadahilanan habang nagpapatulong kay Allāh, at humiling ng kabutihan mula kay Allāh, walang kailangan sa kanya matapos ng mga ito kundi na magpaubaya siya ng nauukol sa kanya sa kabuuan nito kay Allāh. Alamin niya na ang pagpili ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay ang kabutihan. Kaya kapag dinapuan siya matapos niyon ng isang kasawian, huwag siyang magsabi: "Kung sana ako ay gumawa ng ganito at ganito ..." sapagkat tunay na [ang katagang] "kung sana" ay nagbubukas sa gawain ng demonyo" sa pagtutol sa pagtatakda at panghihinayang sa nakaalpas, subalit magsabi siya habang sumusuko at nalulugod: "'Nagtakda si Allāh at ang anumang niloob Niya ay ginawa Niya." Kaya ang anumang naganap, ito lamang ay ayon sa hinihiling ng anuman ninais ni Allāh sapagkat tunay na Siya ay Palagawa ng ninanais Niya at walang tagapagtulak sa pagtatadhana Niya at walang tagapagpabago sa kahatulan Niya.