+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه عن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: «الْمُؤْمِنُ مِرْآةُ أَخِيهِ الْمُؤْمِنِ».
[إسناده حسن] - [رواه أبو داود والترمذي]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Ang mananampalataya ay salamin ng kapatid niyang mananampalataya."
[Ang isnād nito ay maganda] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]

Ang pagpapaliwanag

May [nasaad] sa ḥadīth na marikit na paglalarawang pampropeta at pagwawangis na malalim na naglilinaw sa kalagayan ng kapatid na Muslim sa kapatid nito. Itinatakda niyon ang pananagutan niya rito. Kaya naman papatnubayan niya ito tungo sa mga magandang kaasalan, at isasagawa naman nito ang mga iyon, at palayo sa mga masasagwang kaasalan, at iwawaksi naman nito ang mga iyon. Kaya naman siya para rito ay gaya ng salaming makintab na nagpapakita sa kanya ng sarili niya sa katotohanan. Ito ay nagpapahiwatig ng pagkaisinatungkulin ng pagpapayo sa mananampalataya. Kaya kapag nakaalam siya ng anuman sa mga kapintasan ng kapatid niya at mga kamalian nito, pinaaalalahanan niyo ito hinggil sa mga iyon at pinapatnubayan niya ito tungo sa pagtutuwid ng mga iyon, ngunit sa pagitan lamang nilang dalawa dahil ang pagpapayo sa harap ng madla ay panghihiya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Tamil
Paglalahad ng mga salin