عن أبي الدرداء رضي الله عنه عن النبي صلى الله عليه وسلم قال: «إِنَّ اللَّعَّانِين لا يَكُونُونَ شُفَعَاءَ، وَلا شُهَداءَ يَوْمَ القِيَامةِ».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Dardā’, malugod si Allah sa kanya: "Tunay na ang mga mapanumpa ay hindi magiging mga tagapamagitan ni mga saksi sa Araw ng Pagkabuhay."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
[Nasaad] sa ḥadīth ang pagbabala laban sa madalas ng pagsumpa: na ang sinumang minamadalas ang pagsumpa ay walang kalagayan sa ganang kay Allah, pagkataas-taas Niya; hindi tatanggapin ang pamamagitan nila sa Mundo dahil sila ay hindi makatarungan, at hindi tinatanggap ang pagsasaksi malibang mula sa makatarungan; hindi tatanggapin ang pamamagitan nila sa mga kapatid nila para pumasok sa Paraiso ni ang pagsaksi nila sa Kabilang-buhay; hindi rin tatanggapin ang pamamagitan nila sa mga naunang kalipunan yamang ang mga sugo sa kanila ay nagpaparating ng mensahe.