+ -

عن النعمان بن بَشِير رضي الله عنه قال: سمعت النبيَّ صلى الله عليه وسلم يقول:
«الدُّعَاءُ هُوَ الْعِبَادَةُ»، ثُمَّ قَرَأَ: «{وَقَالَ رَبُّكُمُ ادْعُونِي أَسْتَجِبْ لَكُمْ إِنَّ الَّذِينَ يَسْتَكْبِرُونَ عَنْ عِبَادَتِي سَيَدْخُلُونَ جَهَنَّمَ دَاخِرِينَ} [غافر: 60]».

[صحيح] - [رواه أبو داود والترمذي وابن ماجه وأحمد] - [سنن الترمذي: 3247]
المزيــد ...

Ayon kay An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Ang pagdalangin ay ang pagsamba." Pagkatapos bumigkas siya (Qur'ān 40:60): {Nagsabi ang Panginoon ninyo: “Dumalangin kayo sa Akin, tutugon Ako sa inyo.” Tunay na ang mga nagmamalaki sa [pag-ayaw sa] pagsamba sa Akin ay papasok sa Impiyerno na mga nagpapakaaba.}}

[Tumpak] - - [سنن الترمذي - 3247]

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pagdalangin ay ang pagsamba. Kaya naman ang kinakailangan ay na ang kabuuan nito ay maging wagas ukol kay Allāh. Maging ito man ay pagdalangin ng paghingi at paghiling sa pamamagitan ng paghingi kay Allāh ng anumang ipakikinabang at pagtulak ng anumang ikapipinsala sa Mundo at Kabilang-buhay; o ito man ay pagdalangin ng pagsamba, na bawat anumang iniibig ni Allāh at kinalulugdan Niya na mga sinasabi at mga ginagawang lantaran o pakubli, na mga pagsambang pampuso o pangkatawan o pampananalapi.
Pagkatapos humango ng patunay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) para roon yayamang nagsabi siya: "Nagsabi si Allāh (Qur'ān 40:60): {“Dumalangin kayo sa Akin, tutugon Ako sa inyo.” Tunay na ang mga nagmamalaki sa [pag-ayaw sa] pagsamba sa Akin ay papasok sa Impiyerno na mga nagpapakaaba.}."

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka الفولانية Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية الجورجية اللينجالا المقدونية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagdalangin ay ang ugat ng pagsamba. Hindi pinapayagan ang pagbaling nito sa iba pa kay Allāh.
  2. Ang pagdalangin ay naglalaman ng reyalidad ng pagkamananamba at pagkilala sa kawalang-pangangailangan ng Panginoon, kapangyarihan Niya, at pangangailangan ng tao sa Kanya.
  3. Ang matinding banta bilang ganti sa pagmamalaki sa pag-ayaw sa pagsamba kay Allāh at pagwaksi ng pagdalangin sa kanya. Ang mga nagmamalaki sa pag-ayaw sa pagsamba kay Allāh ay papasok sa Impiyerno bilang mga minamaliit na mga kaaba-aba.