Talaan ng mga ḥadīth

Tunay na ang bigat ng ganti ay kaalinsabay ng bigat ng pagsubok at tunay na si Allah, pagkataas-taas Niya, kapag umibig sa mga tao, ay sumusubok sa kanila. Kaya ang sinumang nalugod, ukol sa kanya ang lugod; at ang sinumang nayamot, ukol sa kanya ay ang pagkayamot.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nagnanais si Allāh sa kanya ng isang kabutihan, magpapatama Siya [rito ng pagsubok] mula sa Kanya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O bata, tunay na ako ay magtuturo sa iyo ng mga pangungusap. Ingatan mo si Allāh, iingatan ka Niya. Ingatan mo si Allāh, matatagpuan mo Siya sa dako mo. Kapag humingi ka, humingi ka kay Allāh. Kapag nagpatulong ka, magpatulong ka kay Allāh
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sumulat si Allāh ng mga itinakda sa mga nilikha limampung libong taon
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi natitigil ang pagsubok sa lalaking mananampalataya at babaing mananampalataya sa sarili niya, anak niya, at yaman niya, hanggang sa makitagpo siya kay Allāh habang sa kanya ay walang kasalanan."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay walang pananagutan mula sa mga taong tumataghoy [kapag dumating sa kanya ang pagsubok],Nag-aahit [ng kanyang buhok sa oras ng pangamba] at Bumubutas [ng kanyang damit o bulsa kapag napoot sa itinakda sa kanya ni Allah]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Mananampalatayang malakas ay higit na mainam at kaibig-ibig kay Allah kaysa mananampalatayang mahina at sa lahat ng kabutihan,Magsumikap ka sa mga bagay na makakapag-pakinabang sa iyo,at Humiling ka ng tulong kay Allah at huwag kang mawalan ng pag-asa
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang una sa nilikha ni Allāh, pagkataas-taas Niya, ay ang panulat at nagsabi Siya rito: Sumulat ka! Nagsabi ito: Panginoon ko, at ano po ang isusulat ko? Nagsabi Siya: Isulat mo ang mga pagtatakda sa bawat bagay hanggang sa sumapit ang Huling Sandali.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Ali-malugod si Allah sa kanya-Kami ay nasa libingan sa Baqie Al-Gharqad,Dumating sa amin ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-umupo siya at umupo kami na paikot sa kanya,at may dala siyang patpat,ibinaba niya ang ulo niya at gumawa siya ng hukay gamit ang patpat nito,Pagkatapos ay sinabi niya:(( Wala sa inyo na kahit isa maliban sa naisulat ang pag-uupuan niya sa Impyerno at pag-uupuan niya sa Paraiso))Kaya`t nagsabi sila:O Sugo ni Allah,Hindi ba kami magtitiwala sa aklat nami? Nagsabi siya:(( Magtrabaho kayo,sapagkat ang lahat ay magiging madali,ayon sa nilikha sa kanya)) Napagkaisahan ang katumpakan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag inibig ni Allah sa isang alipin ang kabutihan,gagamitin Niya ito bago ang kamatayan nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Nagsanaysay sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) – at siya ang nagtototoo at ang pinatotohanan: "Tunay na ang paglikha sa [bawat] isa sa inyo ay tinitipon sa tiyan ng ina niya nang apatnapung araw at apatnapung gabi
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang bawat bagay ay ayon sa pagtatakda, kahit ang kawalan ng kakayahan at ang kairalan ng kakayahan o ang kairalan ng kakayahan at ang kawalan ng kakayahan."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nagtadhana si Allāh para sa isang lingkod na mamatay ito sa isang lupain, gagawa Siya para rito ng isang pangangailangan doon."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Magsabi ka na walang Diyos kundi si Allāh, sasaksi ako para sa iyo sa pamamagitan niyan sa Araw ng Pagbangon
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kung iibigin mo ay magtiis ka at mapapasaiyo ang Paraiso,at kung iibigin mo ay mananalangin ako sa Allah na ikaw ay mabigyan ng lunas
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nakarinig kayo ng salot sa isang lupain, huwag kayong pumasok doon. Kapag naganap ito sa isang lupain habang kayo ay naroon, huwag kayong lumabas mula roon.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagtalo sina Adan at Moises kaya nagsabi si Moises dito: "O Adan, ikaw ay ama Namin. Binigo mo kami at pinalabas mo kami mula sa Paraiso." Nagsabi rito si Adan: "O Moises, hinirang ka ni Allah sa pakikipag-usap Niya at isinatitik Niya para sa iyo [ang Torah] sa pamamagitan ng kamay Niya, sinisisi mo ba ako dahil sa isang bagay na itinakda ni Allah sa akin bago niya ako nalikha nang apatnapung taon? Kaya nadaig ni Adan sa pagtatalo si Moises. Kaya nadaig ni Adan sa pagtatalo si Moises.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kabilang sa Pinapapanindigan sa amin ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Sa mga kabutihan napinapapanindigan niya sa amin (mula sa binitawan naming pangako) Na hindi namin siya susuwain rito ay: Ang hindi kami susugat sa mukha,at hindi kami magsasabi ng Kasawian,at hindi kami pupunit ng Damit, at Ang hindi kami sasabunot ng buhok
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
At nang matapos na ang edad ni Propeta Ādam,ay dumating sa kanya ang Anghel ng Kamatayan,Nagsabi siya: Hindi ba't may natitira pa sa edad ko na apat-napong taon?Ang sabi niya (Anghel ng kamatayan): Hindi ba't ipinagkakaloob mo ito sa anak mong si Propeta Dawūd? Nagsabi siya: Tumanggi si Propeta Ādam,kaya't tumanggi din ang mga anak nito,Nakalimot si Propeta Ādam,kaya't nakalimot din ang mga anak nito,At nagkamali si Propeta Ādam kaya't nagkamli din ang mga anak nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag na kayong umiyak sa kapatid matapos ang araw na ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay An-nu'man Bin Basheer Malugod si Allah sa kanilang dalawa-Nagsabi siya:Nawalan ng malay si `Abdullah bin Rawahah-kaya`t ang kapatid nito ay umiyak at nagsasabi: O Bundok;O ganito O ganito;binabanggit nito sa kanya [ang mga magagandang katangian] Nagsabi siya nang siyay`y nagkamalay;Wala kang nasabing anumang bagay liban sa sinabi sa akin na ikaw ay ganoon din?!Isinaysay ito ni Imam Al-Bukhari
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanang si Allah-kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan, ay nilikha Niya ang mga likha nito sa kadiliman,Kaya't nagbigay Siya sa kanila nang Liwanag Niya,at Sinuman ang magkamit ng liwanag na ito ay mapapatnubayan,at sinuman ang magpapa-mali nito ay maliligaw,kayat sasabihin ko; Natuyo ang (tinta)ng lapis sa Karunungan ni Allah.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag ninais ni Allah na bawian ng buhay ang kanyang alipin sa isang lugar,Gagawa si Allah ng pangangailangan niya dito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu