عن أسامة بن زيد رضي الله عنهما مرفوعاً: «إذا سمعتم الطاعونَ بأرض فلا تدخلوها وإذا وقع بأرض وأنتم فيها فلا تخرجوا منها».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Usāmah bin Zayd, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Kapag nakarinig kayo ng salot sa isang lupain, huwag kayong pumasok doon. Kapag naganap ito sa isang lupain habang kayo ay naroon, huwag kayong lumabas mula roon."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Kapag may lumitaw na epidemya sa isang lupain na hindi pa pinasok ng isang tao, hindi ipinahihihintulot sa kanya na pasukin iyon bilang pangangalaga sa kalusugan niya at sa kalusugan ng iba. Kapag naman pumasok ang sakit sa isang lupain habang siya ay naroon na, hindi ipinaihihintulot sa kanya na lumabas doon at kailangang magtiis siya sa itinakda ni Allah upang pagkalooban siya ng gantimpala.