+ -

عن أبي مُوسَى عبد اللَّه بن قيس رضي الله عنه «أنّ رسول الله صلى الله عليه وسلم بَرِيءَ من الصَّالِقَةِ وَالحَالِقةِ وَالشَّاقَّةِ».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Mūsa `Abdullāh bin Qays Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya.-((Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay walang pananagutan mula sa mga taong tumataghoy [kapag dumating sa kanya ang pagsubok],Nag-aahit [ng kanyang buhok sa oras ng pangamba] at Bumubutas [ng kanyang damit o bulsa kapag napoot sa itinakda sa kanya ni Allah]))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Si Allah ang nagmamay-ari [ng mga bagay] na Kanyang kinukuha,at sa Kanya [nanggagaling] ang anumang bagay na ipinagkakaloob Niya,at dito ay may ganap na karunungan at matuwid na pakikitungo,at sinuman ang sumalungat at humadlang nito,para niyang sinalungat ang mga itinadhana at itinakda ni Allah,na siyang pinagmumulan ng kabutihan,karunungan,katarungan at kabutihan.Kung kaya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay bumanggit na sinuman ang mapoot at mangamba mula sa mga itinadhana ni Allah,siya ay malilihis sa matuwid nitong landas,at ninanais nitong pamamaraan-sapagkat lumihis siya sa ibang daan,kung saan ay kapag dumapo sa kanila ang masamang pagsubok mangangamba sila at mababalisa,sapagkat napamahal sila sa pamumuhay dito sa mundo,Hindi sila nangangarap sa pagtitimpi nila sa mga pagsubok na dumarating sa kanila, nang gantimpala,at kaluguran mula sa Kanya,Kaya siya [ang Propeta] ay walang pananagutan sa sinumang nanghina sa kanilang pananampalataya,at hindi nila nakayanan ang pagdating ng pagsubok hanggang sa ito ay nagbunga ng pagkapoot sa puso o pananalita,sa pamamagitan ng panaghoy, paggalos-o pagsugat,pananalangin sa kaparusahan at pagkawasak,;o sa mga gawain tulad ng pagbunot ng mga buhok,pagbutas ng mga bulsa;Bilang paggunita sa nakasanayan [pag-uugali] sa panahon ng kamang-mangan.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Swahili Asami الغوجاراتية
Paglalahad ng mga salin