+ -

عن عائشة رضي الله عنها والمغيرة بن شعبة رضي الله عنه : أن النبي صلى الله عليه وسلم كان يقوم من الليل حتى تَتَفَطَّرَ قَدَمَاهُ فقلت له: لم تَصْنَعُ هذا يا رسول الله، وقد غفر اللهُ لك ما تقدم من ذنبك وما تأخر؟ قال: «أَفَلَا أحب أن أكونَ عبدا شَكُورًا».
[صحيح] - [حديث عائشة -رضي الله عنها-: متفق عليه. حديث المغيرة بن شعبة -رضي الله عنه-: متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kina `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya, at Al-Mughīrah bin Shu`bah, malugod si Allāh sa kanya, ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay [matagal] nagdarasal noon sa gabi hanggang sa nagkabitak-bitak ang mga paa niya kaya nagsabi ako sa kanya: "Bakit mo ginagawa ito, o Sugo ni Allah, gayong nagpatawad na si Allah sa iyo sa nauna sa pagkakasala mo at nahuli?" Nagsabi siya: "Kaya hindi ko ba iibiging ako ay maging isang lingkod na mapagpasalamat?"
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagdarasal noon ng [mahabang] tahajjud sa gabi hanggang sa nagkabitak-bitak ang mga paa niya kaya nagsabi sa kanya si `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya, sa pag-aakalang sumasamba lamang siya kay Allah dahil sa pangamba sa pagkakasala at paghingi ng kapatawaran at awa gayong naisakatuparan na para sa kanya ang pagpapatawad ni Allah, pagkataas-taas Niya, kaya naman hindi na siya nangangailangan niyon: "Bakit mo ginagawa ito, o Sugo ni Allah, gayong nagpatawad na sa iyo si Allah sa nauna sa pagkakasala mo at nahuli?" Nagsabi siya rito: "Kaya hindi pa ba ako magiging isang lingkod na mapagpasalamat sapagkat ang pagsambang ito, ang dahilan nito ay ang pagpapasalamat sa kapatawaran."

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish
Paglalahad ng mga salin