عَنْ عَبْدِ اللهِ بْنِ عَمْرِو بْنِ الْعَاصِ رضي الله عنهما قَالَ: سَمِعْتُ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ:
«كَتَبَ اللهُ مَقَادِيرَ الْخَلَائِقِ قَبْلَ أَنْ يَخْلُقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ بِخَمْسِينَ أَلْفَ سَنَةٍ، قَالَ: وَعَرْشُهُ عَلَى الْمَاءِ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2653]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Sumulat si Allāh ng mga itinakda sa mga nilikha limampung libong taon bago Niya nilikha ang mga langit at ang lupa." Nagsabi Siya: At ang trono Niya ay nasa ibabaw ng tubig.}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2653]
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh ay sumulat ng magaganap mula sa mga itinakda sa mga nilikha nang may pagdedetalye gaya ng buhay, kamatayan, panustos, at iba pa roon sa Tablerong Pinag-iingatan limampung libong taon bago Niya nilikha ang mga langit at ang lupa. Ang mga ito ay magaganap alinsunod sa itinadhana ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Ang bawat anumang mangyayari ay ayon sa pagtatadhana ni Allāh at pagtatakda Niya. Kaya ang anumang tumama sa tao ay hindi naging ukol na magmintis sa kanya at ang anumang nagmintis sa kanya ay hindi naging ukol na tumama sa kanya.