+ -

عَنْ ‌أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه قَالَ:
قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ لِعَمِّهِ: «قُلْ: لَا إِلَهَ إِلَّا اللهُ، أَشْهَدُ لَكَ بِهَا يَوْمَ الْقِيَامَةِ»، قَالَ: لَوْلَا أَنْ تُعَيِّرَنِي قُرَيْشٌ، يَقُولُونَ: إِنَّمَا حَمَلَهُ عَلَى ذَلِكَ الْجَزَعُ لَأَقْرَرْتُ بِهَا عَيْنَكَ. فَأَنْزَلَ اللهُ: {إِنَّكَ لا تَهْدِي مَنْ أَحْبَبْتَ وَلَكِنَّ اللهَ يَهْدِي مَنْ يَشَاءُ } [القصص: 56].

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 25]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa tiyuhin niya: "Magsabi ka na walang Diyos kundi si Allāh, sasaksi ako para sa iyo sa pamamagitan niyan sa Araw ng Pagbangon." Nagsabi ito: "Kung sakaling hindi mamintas sa akin ang Quraysh, na magsasabi: 'Nagtulak lamang sa kanya roon ang pagkaligalig,' ay talagang magpapagalak ako sa pamamagitan niyan sa mata mo." Kaya nagpababa si Allāh (Qur'ān 28:56): {Tunay na ikaw ay hindi pumapatnubay sa sinumang inibig mo, subalit si Allāh ay pumapatnubay sa sinumang niloloob Niya.}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 25]

Ang pagpapaliwanag

Hiniling ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sa tiyuhin nito na si Abū Ṭālib, noong siya ay nasa mga hapdi ng kamatayan, na bigkasin niya na walang Diyos kundi si Allāh, upang mamagitan ito para sa kanya sa pamamagitan niyon sa Araw ng Pagbangon at sumaksi ito para sa kanya ng pagkaanib sa Islām, ngunit umayaw siya na bumigkas ng pagsaksi dala ng pangamba na mang-alipusta sa kanya ang liping Quraysh at magsabi ito tungkol sa kanya: "Tunay na siya ay umanib sa Islām dahilan sa pangamba sa kamatayan at kahinaan." Kaya nagsabi siya sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan): "Kung hindi dahil sa pagpintas na iyon, talaga sanang nagpapasok ako ng galak sa puso mo sa pagsabi ng pagsasaksi at nagpaabot ako sa iyo sa mithi mo nang sa gayon malugod ka!" Kaya pinababa ni Allāh (napakataas Siya) ang āyah na nagpapatunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nagmamay-ari ng kapatnubayan sa pagtutuon sa Islām, bagkus si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) – tanging Siya – ay nagtutuon sa tama sa sinumang niloloob Niya, at na ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ay nagpapatnubay sa nilikha sa pamamagitan ng pagtuturo, paglilinaw, paggabay, at pag-aanyaya tungo sa landasing tuwid.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka الفولانية Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga اليونانية الأوزبكية الأوكرانية الجورجية المقدونية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang katotohanan ay hindi iniiwan dala ng pangamba sa salita ng mga tao.
  2. Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagmamay-ari lamang ng kapatnubayan ng pagtuturo at paggabay hindi ng kapatnubayan ng pagtutuon.
  3. Ang pagkaisinasabatas ng pagdalaw sa maysakit na tagatangging sumampalataya para sa pag-anyaya sa kanya tungo sa Islām.
  4. Ang pagsisigasig ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pag-aanyaya tungo kay Allāh (napakataas Siya) sa lahat ng mga kalagayan.
Ang karagdagan