عَنْ قَتَادَةَ رحمه الله قال:
حَدَّثَنَا أَنَسُ بْنُ مَالِكٍ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ أَنَّ رَجُلًا قَالَ: يَا نَبِيَّ اللهِ كَيْفَ يُحْشَرُ الْكَافِرُ عَلَى وَجْهِهِ؟ قَالَ: «أَلَيْسَ الَّذِي أَمْشَاهُ عَلَى الرِّجْلَيْنِ فِي الدُّنْيَا قَادِرًا عَلَى أَنْ يُمْشِيَهُ عَلَى وَجْهِهِ يَوْمَ الْقِيَامَةِ؟» قَالَ قَتَادَةُ: بَلَى وَعِزَّةِ رَبِّنَا.
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 6523]
المزيــد ...
Ayon kay Qatādah (kaawaan siya ni Allāh) na nagsabi:
{Nagsanaysay sa amin si Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na may isang lalaking nagsabi: "O Propeta ni Allāh, papaano pong bubuhayin ang tagatangging sumampalataya [nang naglalakad] sa mukha niya?" Nagsabi siya: "Hindi ba ang nagpalakad sa kanya sa dalawang paa sa Mundo ay nakakakaya na magpalakad sa kanya sa mukha niya sa Araw ng Pagbangon?"} Nagsabi si Qatādah: "Siya nga, sumpa man sa kapangyarihan ng Panginoon natin."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 6523]
Tinanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): Papaanong bubuhayin ang tagatangging sumampalataya [nang naglalakad] sa mukha niya sa Araw ng Pagbangon? Kaya naman nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ba si Allāh na nagpalakad sa kanya sa dalawang paa sa Mundo ay nakakakaya na magpalakad sa kanya sa mukha niya sa Araw ng Pagbangon?" Si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.