عن عبد الله بن مسعود رضي الله عنه قال: سألت رسول الله صلى الله عليه وسلم أيُّ الذنب أعظم؟ قال: «أن تجعل لله نِدًّا، وهو خَلَقَكَ» قلت: ثم أَيُّ؟ قال: «ثم أن تقتل ولدك خَشْيَةَ أن يأكل معك» قلت: ثم أَيُّ؟ قال: «ثم أن تُزَانِي حَلِيْلَةَ جَارِكَ».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allāh sa kanya-siya ay nagsabi: Nagtanong ako sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ano ang pinakamalaking kasalanan? Nagsabi siya:((Ang magtambal ka sa Allah,na Siyang lumikha sa iyo))Sinabi ko: Pagkatapos ay ano?Nagsabi siya: ((Pagkatapos ay ang patayin mo ang anak mo dahil sa pangambang makakasalamuha mo siya sa pagkain)),Sinabi ko: Pagkatapos ay ano?:Nagsabi siya:((Pagkatapos ay ang manghalay ka sa asawa ng kapitbahay mo))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Nagtanong ang kasamahan ng Propeta-malugod si Allah sa kanila-tungkol sa pinakamalaking kasalanan,Ipinaalam niya sa kanila ang pinakamalaki nito,ito ang malaking pagtatambal,ito ang hindi pinapatawad ni Allah-Pagkataas-taas Niya-maliban sa pagbabalik-loob [sa Kanya],at kapag namatay ang gumagawa nito,siya ay mananatili sa Impiyerno.Pagkatapos ay ang pagpatay ng tao sa anak nito,dahil sa pangamba na makasalamuha niya sa pagkain,Kaya ang pagkitil ng buhay ay siyang pumapangalawa sa pinakamalaking kasalanan,at nadadagdagan ang kasalanan,at dumadami ang kaparusahan kapag ang napatay ay kamag-anak ng pumatay.,at nadadagdagan pa ito kapag ang layunin sa pagpatay ay upang putulin sa namatay ang biyaya nito mula sa Allah,na siyang dumadaan sa kamay ng pumatay.Pagkatapos ay ang panghahalay ng isang lalaki sa asawa ng kapitbahay nito,Ang panghahalay ay ang pangatlo sa pinakamalaking kasalanan,at mas lumalaki ang kasalanan nito,kapag ang taong hinalay niya, ay asawa ng kapitbahay niya,na siyang ipinag-utos sa Islam ang pagpapabuti sa kanya,pagpapakita ng kagandahang loob,at magandang pakikisama.