عن عبد الله بن عمرو بن العاص رضي الله عنهما قال: مرَّ علينا رسول الله صلى الله عليه وسلم ونحن نُعالج خُصًّا لنا، فقال: «ما هذا؟» فقلنا: قد وَهَى، فنحن نُصلحه، فقال: «ما أرى الأمر إلا أَعْجَل من ذلك».
[صحيح] - [راوه أبو داود والترمذي وابن ماجه]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Napadaan sa amin ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, habang kami ay nagkukumpuni ng isang kubo namin, kaya nagsabi siya: Ano ito? Nagsabi naman kami: Humina na ito kaya kami ay nag-aayos nito. Nagsabi naman siya: Wala akong nakikita sa usapin [ng buhay] malibang [sa ito ay] higit na panandalian kaysa riyan."
[Tumpak] - [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]
Ang kahulugang ng hadith: Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay napadaan kay `Amr bin Al-`Āṣṣ habang ito ay nag-aayos ng nasira sa bahay nito o may ginagawa rito upang patibayin ito. Sa isang sanaysay ni Abū Dāwud: "habang ako ay nagtatapal ng putik sa isang dingding ko" Kaya nagsabi naman siya: "Wala akong nakikita sa usapin [ng buhay] malibang [sa ito ay] higit na panandalian kaysa riyan." Nangangahulugan ito na: ang taning ng buhay ay higit na malapit kaysa sa [sandaling kailangang] ayusin mo ang bahay mo sa takot na gumuho ito bago ka mamatay at marahil mamatay ka bago gumuho ito. Kaya naman ang pag-aayos sa gawa mo ay higit na karapat-dapat kaysa sa pag-aayos sa bahay mo. Maliwanag na ang pagkukumpuni nito ay hindi kinakailangan, bagkus ito ay lumitaw dala ng pagmimithing kumpunihin ito o namutawi sa pagkaibig na gayakan ito. Kaya ipinaliwanag niya rito na ang pinakamahalaga ay ang pagpapakaabala sa bagay-bagay kaugnay sa Kabilang-buhay at karapat-dapat kaysa sa ang pagpapakaabala sa anumang hindi mapakikinabangan sa Kabilang-buhay.