عَنِ البَرَاءِ بْنِ عَازِبٍ رضي الله عنه أَنَّ رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«المُسْلِمُ إِذَا سُئِلَ فِي القَبْرِ: يَشْهَدُ أَنْ لاَ إِلَهَ إِلَّا اللَّهُ وَأَنَّ مُحَمَّدًا رَسُولُ اللَّهِ»، فَذَلِكَ قَوْلُهُ: {يُثَبِّتُ اللَّهُ الَّذِينَ آمَنُوا بِالقَوْلِ الثَّابِتِ فِي الحَيَاةِ الدُّنْيَا وَفِي الآخِرَةِ} [إبراهيم: 27].
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 4699]
المزيــد ...
Ayon kay Al-Barrā' bin `Āzib (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Ang Muslim, kapag tinanong siya sa libingan, ay sasaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh sapagkat iyon ay sabi Niya: {Nagpapatatag si Allāh sa mga sumampalataya sa pamamagitan ng sinabing matatag sa buhay na pangmundo at sa Kabilang-buhay. Nagliligaw si Allāh sa mga tagalabag sa katarungan. Gumagawa si Allāh ng anumang niloloob Niya.} (Qur'ān 14:27)"}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 4699]
Tatanungin ang mananampalataya sa libingan sapagkat magtatanong sa kanya ang dalawang anghel na itinalaga roon. Silang dalawa ay sina Munkar at Nakīr, gaya ng pagkakasaad sa pagpapangalan sa kanilang dalawa sa isang bilang ng mga ḥadīth. Sasaksi siya na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ito ay ang sinabing matatag, na nagsabi si Allāh kaugnay rito: {Nagpapatatag si Allāh sa mga sumampalataya sa pamamagitan ng sinabing matatag sa buhay na pangmundo at sa Kabilang-buhay. Nagliligaw si Allāh sa mga tagalabag sa katarungan. Gumagawa si Allāh ng anumang niloloob Niya.} (Qur'ān 14:27)