عَنْ عَائِشَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهَا أَنَّ رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«تَحَرَّوْا لَيْلَةَ القَدْرِ فِي الوِتْرِ مِنَ العَشْرِ الأَوَاخِرِ مِنْ رَمَضَانَ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 2017]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Hanapin ninyo ang Gabi ng Pagtatakda sa gansal [na petsa] mula sa huling sampung gabi ng Ramaḍān."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 2017]
Humimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagsusumikap sa paghahanap, paghahangad, at paghiling na matapos sa Gabi ng Pagtatakda sa pamamagitan ng pagpaparami ng maayos na gawa. Ito ay higit na maaasahan na maging nasa mga gabing gansal ang petsa mula sa huling sampung gabi ng Ramaḍān bawat taon. Ang mga petsang ito ay ang ika-21, ang ika-23, ang ika-25, ang ika-27, at ang ika-29.