عن عبد الله بن عمرو بن العاص رضي الله عنهما قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «إن أَحَبَّ الصيام إلى الله صِيَامُ داود، وأحب الصلاة إلى الله صلاة داود، كان يَنَامُ نِصْفَ اللَّيْلِ، وَيَقُومُ ثُلُثَهُ، وَيَنَامُ سُدُسَهُ، وكان يصوم يومًا ويُفطِرُ يومًا».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ, malugod si Allah sa kanilang dalawa-((Tunay na ang pinakamamahal para kay Allah na pag-aayuno,ay ang pag-aayuno ni Propeta Dawud,at ang pinakamamahal na pagdarasal kay Allah ay ang pagdarasal ni Propeta Dawud,siya ay natutulog sa kalahati ng gabi,at nagdarasal sa isang katlo nito,at natutulog sa isang anim nito,at siya ay nag-aayuno sa isang araw at hindi nag-aayuno sa [susunod] na araw))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ipinapaalam ni `Abdullāh bin `Amr, malugod si Allah sa kanya,Buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Hadith na ito,Na ang pinakamamahal na pag-aayuno at pagdarasal [sa gabi] kay Allah -pagkataas-taas Niya,ay ang pag-aayuno at pagdarasal [sa gabi] ng kanyang mahal na Propeta na si Dawud-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-ito ay dahil sa siya ay nag-aayuno sa isang araw at hindi nag-aayuno sa [susunod nitong] araw,Ito ay dahil sa pagkakamit ng gawaing pagsamba at pagbibigay ng kapahingaan sa katawan.At siya ay natutulog sa unang kalahati ng gabi,upang makapagsagawa siya na may sigla at magaan na pagsamba.Magdarsal siya sa unang katlo nito,pagkatapos ay matutulog siya sa unang anim nito ng huling [gabi],Umang maging masigla siya sa pagsamba sa unang araw,At ang pamamaraang ito,ang siyang hinihimok ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan