عَنِ ابْنِ عُمَرَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا:
أَنَّ رِجَالًا مِنْ أَصْحَابِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ أُرُوا لَيْلَةَ القَدْرِ فِي المَنَامِ فِي السَّبْعِ الأَوَاخِرِ، فَقَالَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «أَرَى رُؤْيَاكُمْ قَدْ تَوَاطَأَتْ فِي السَّبْعِ الأَوَاخِرِ، فَمَنْ كَانَ مُتَحَرِّيهَا فَلْيَتَحَرَّهَا فِي السَّبْعِ الأَوَاخِرِ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 2015]
المزيــد ...
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa):
{May mga lalaking kabilang sa mga Kasamahan ng Propeta (s) na pinakitaan ng Gabi ng Pagtatakda sa panaginip sa huling pitong gabi kaya nagsabi ang Sugo ni Allah (s): "Nakakita ako ng panaginip ninyo na nagsang-ayunan sa huling pitong gabi. Kaya ang sinumang naging naghahanap nito, hanapin niya ito sa huling ikapitong gabi."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 2015]
May nakakitang mga lalaki kabilang sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa panaginip na ang Gabi ng Pagtatakda ay nasa huli ng pitong gabi ng Ramaḍān. Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nakakita ako sa mga panaginip ninyo na nagkasang-ayunan nga sa huling pitong gabi ng Ramaḍān. Kaya ang sinumang naging tagapagpakay nito, na masigasig sa paghahangad nito, magsumikap siya sa paghahanap nito sa pamamagitan ng pagpaparami ng maayos na gawa sapagkat ito ay higit na maaasahan na maging nasa huling pitong gabi. Ito ay nagsisimula sa gabi ng ika-24 kapag ang buwan ng Ramaḍān ay 30 araw at nagsisimula naman sa gabi ng ika-23 kapag ang buwan ng Ramaḍān ay 29 araw."