عن عمر بن الخطاب رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «إذا أقبل الليل من هَهُنا، وأَدْبَرَالنهار من ههنا، فقد أفطر الصائم».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah, (s): "Kapag lumapit ang gabi mula rito at lumayo ang maghapon mula rito, titigil nga sa pag-aayuno ang nag-aayuno."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ang oras ng pag-aayunong ayon sa Batas ng Islam ay mula sa pagsapit ng madaling-araw hanggang sa paglubog ng araw. Dahil dito, itinuro nga ng Propeta, (s), sa Kalipunan niya na ito ay kapag lumapit ang gabi mula sa dakong silangan at lumayo ang maghapon mula sa dakong kanluran sa pamamagitan ng paglubog ng araw, gaya ng sa isang sanaysay: "Kapag lumapit ang gabi mula rito, lumayo ang maghapon mula rito, at lumubog ang araw, titigil nga sa pag-aayuno ang nag-aayuno." Pumasok na ang nag-aayuno sa oras ng pagtigil sa pag-aayuno na hindi nararapat para sa kanya na ipagpaliban iyon sa kanya, bagkus mapipintasan siya dahil doon, bilang pagsunod sa utos ng Tagapagbatas, bilang pagsasakatuparan sa pagtalima, bilang pagkilala sa oras ng pagsamba bukod sa iba pang oras, at bilang pagbibigay sa kaluluwa ng karapatan nito sa ipinahihintulot na mga kasiyahan ng buhay. Ang sabi niya: "...titigil nga sa pag-aayuno ang nag-aayuno" ay nagtataglay ng dalawang posibleng kahulugan: A. Na siya ay tumigil sa pag-ayuno ayon sa kahatulan ng pagsapit ng oras ng pagtigil sa pag-aayuno kahit hindi pa uminom o kumain ng anuman; at ang paghimok sa pagmamadali sa pagtigil sa pag-aayuno sa ilan sa mga hadith ay nangangahulugan ng paghimok sa pisikal na pagsasagawa ng pagtitigil sa pag-aayuno upang umayon sa kahulugang legal. B. Na ang kahulugan ay sumapit ang oras ng pagtigil sa pag-aayuno at ang paghimok sa pagmamadali sa pagtigil sa pag-aayuno ay magiging ayon dito at ito ay higit na karapat-dapat at kinakatigan ng sanaysay sa Al-Bukhārīy: "sumapit na ang pagtigil sa pag-aayuno."