عن أبي سعيد الْخُدْرِي رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «ليس فيما دون خمس أَوَاقٍ صدقة، ولا فيما دون خمس ذَوْدٍ صدقة، ولا فيما دُونَ خمسة أَوْسُقٍ صدقة».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Mula kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy -Malugod si Allah sa kanya- ay nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah (pagpalain siya ni Allah at pangalagaan): ((Walang Sadaqah ang mababa sa limang onsa (ng pilak), at wala ding Sadaqah kapag mababa sa limang kamelyo, at wala ding Sadaqah kapag mababa sa limang Awsuq)).
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ang Zakah (Sadaqah) ay isang aliw sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap, kaya tiyak na hindi kukunin mula sa taong kokonti lang ang kanyang kayamanan hindi maituring na mayaman siya sa kanya. Kaya ang batas ay pinaliwanag ang pinakamababang limit sa sinumang obligado mag Zakah, kaya't sinuman ang nagmamay-ari ng mababa sa pinakababang limit siya ay maituturing kapos at hindi pwede kukunan ng kung anu-ano. At ang may-ari ng pilak ay hindi obliga sa kanya ang Zakah maliban na lamang kung magkaroon siya ng limang onsa, at bawat isang onsa ay apatnaput dirham, sa makatuwid magiging dalawang-daan dirham ang kanyang Nisab (limit) na katumbas ng 590 gramo. At ang may-ari ng kamelyo hindi obliga sa kanya ang Zakah maliban na lamang kung magkaroon siya ng lima at pataas, at kung mababa doon ay wala ng Zakah. At ang may-ari ng pananim at bungang-kahoy hindi obliga sa kanya ang Zakah maliban na lamang kung magkaroon siya limang Awsuq (ang bawat isang wasq ay katumbas ng 60 Sa'), sa makatuwid ang limit niya ay 300 Sa' (ang Sa' ay isang sisidlan na naglalaman ng halos 3 kilo).