+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه : أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: «إِذَا جَاءَ رَمَضَانُ، فُتِحَتْ أبْوَاب الجَنَّةِ، وَغُلِّقَتْ أبْوَابُ النَّارِ، وَصفِّدَتِ الشَّيَاطِينُ».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Kapag dumating ang Ramaḍān, binubuksan ang mga pinto ng Paraiso, ipinipinid ang mga pinto ng Impiyerno, at iginagapos ang mga demonyo."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Kapag dumating ang Ramaḍān, binubuksan ang mga pinto ng Paraiso, ipinipinid ang mga pinto ng Impiyerno, at iginagapos ang mga demonyo." Ito ay tatlong pangyayaring magaganap sa Ramaḍān. Una: Binubuksan ang mga pinto ng Paraiso bilang pag-uudyok sa mga gagawa sa panahong ito ng maraming mga pagtalima gaya ng pagdarasal, pagkakawanggawa, pagsambit ng dhikr, pagbabasa ng Qur'an, at iba pa. Ikalawa: Ipinipinid ang mga pinto ng Impiyerno. Iyon ay dahil sa kakauntian ng mga pagsuway sa panahong ito sa panig ng mga Mananampalataya. Ikatlo: Iginagapos ang mga demonyo. Ang ipinakakahulugan nito ay ang mga naghihimagsik sa kanila, gaya ng pagkasaad niyon sa ibang sanaysay. Itinala ang sanaysay na ito nina Imām An-Nasā’īy sa Sunan niya, 434/4 numero 2105 at Imām Aḥmad sa Musnad niya, 292/2. Nagsabi si Al-Albānīy: Ito ay ḥadīth na mahusay dahil sa mga patunay nito, Mishkāh Al-Maṣābīḥ 612/1 numero 1962. Ang mga naghihimagsik ay nangangahulugang ang mga pinakamatindi sa mga demonyo sa pagkamuhi at pangangaway sa mga anak ni Adan. Ang paggapos ay nangangahulugang ang pagposas, na nangangahulugan namang pinupusasan ang mga kamay nila upang hindi sila makatakas patungo sa tinatakasan nila noon sa ibang buwan. Ang lahat ng ipinabatid na ito ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay katotohanang ipinabatid niya bilang payo sa Kalipunang Islam, bilang panggaganyak para rito para sa kabutihan, at bilang babala para rito laban sa kasamaan. Tingnan: Sharḥ Riyāḍ Aṣ-Ṣāliḥīn: 273/4.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Swahili Asami الهولندية
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan