+ -

عن أنس بن مالك رضي الله عنه مرفوعاً: «إنَّ الكافر إذا عمل حسنة، أُطْعِمَ بها طُعْمَةً من الدنيا، وأما المؤمن فإِنَّ اللهَ تعالى يدخر له حسناته في الآخرة، ويُعْقِبُهُ رزقًا في الدنيا على طاعته». وفي رواية: «إنَّ الله لا يظلم مؤمنا حسنة، يُعْطَى بها في الدنيا، ويُجْزَى بها في الآخرة، وأما الكافر فَيُطْعَمُ بحسنات ما عمل لله تعالى في الدنيا، حتى إذا أفضى إلى الآخرة، لم يكن له حسنة يُجْزَى بها».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya: "Tunay na ang tumatangging sumampalataya, kapag gumawa siya ng isang magandang gawa, ay pinatitikim dahil dito ng isang gantimpala sa Mundo. Tungkol naman sa manananampalataya, tunay na si Allah, pagkataas-taas Niya, ay nag-iimpok para sa kanya ng mga magandang gawa niya sa Kabilang-buhay at nagkakaloob sa kanya ng panustos sa Mundo ayon sa pagtalima niya." Sa isang sanaysay: "Tunay na si Allah ay hindi lalabag sa katarungan sa isang mananampalataya sa isang magandang gawa na bibigyan siya dahil dito sa Mundo at gagantihan siya dahil dito sa Kabilang-buhay. Tungkol naman sa tumatangging sumampalataya, patitikimin siya ng mga magandang gawa na ginawa niya para kay Allah, pagkataas-taas Niya, sa Mundo. Kapag humantong siya siya sa Kabilang-buhay, wala na siyang magandang gawang gagantimpalaan siya dahil dito."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Tunay na ang Kāfir, kapag gumawa siya ng pagtalima, ay tinutustusan ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, dahil doon sa Mundo. Ang Mananampalataya naman, kapag gumawa siya ng pagtalima, tunay na si Allah ay talagang gaganti sa kanya dahil doon sa Kabilang-buhay at magtutustos din sa kanya dahil sa pagtalima niya. Tunay na si Allah, mapagpala Siya at pagkataas-taas, ay hindi tatangging maggantimpala sa Mananampalataya dahil sa mga magandang gawa nito. Magtutustos Siya rito dahil doon sa Mundo at maggagantimpala Siya rito dahil doon sa Kabilang-buhay. Ang Kāfir naman ay tutustusan Niya kapalit ng mga magandang gawa nito nang sa gayon kapag dumating ito sa Kabilang-buhay ay wala na itong magandang gawa para gantimpalaan dahil doon. Nagkaisa ang mga maalam na ang Kāfir na namatay sa kawalang-pananampalataya niya ay walang gantimpala para sa kanya sa Kabilang-buhay at hindi siya gagantihan dahil doon sa anuman sa ginawa niya sa Mundo na mabuting makapagpapalit sana sa kanya kay Allah, pagkataas-taas Niya. Tahasang binanggit sa hadith na ito na pakakainin siya sa Mundo dahil sa ginawa niya na mga magandang gawa, ibig sabihin, dahil sa ginawa niya na mabuting makapagpapalapit sana sa kanya kay Allah, gayong hindi naman nagkulang sa katumpakan ang layunin niya gaya ng pakikipag-ugnayan sa kamag-anak, pagpapalaya ng alipin, mabuting pagtanggap sa panauhin, pagpapadali sa mga kabutihan, at mga tulad nito. Kapag naman gumawa ang Kāfir ng tulad ng mga magandang gawang ito, pagkatapos ay yumakap siya sa Islam, tunay na siya ay gagantimpalaan dahil doon sa Kabilang-buhay ayon sa tumpak na katuruan.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan