عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم:
«مَنْ صَامَ رَمَضَانَ إِيمَانًا وَاحْتِسَابًا غُفِرَ لَهُ مَا تَقَدَّمَ مِنْ ذَنْبِهِ»
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 38]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang sinumang nag-ayuno sa Ramaḍān dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang anumang nauna na pagkakasala niya."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 38]
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nag-ayuno sa buwan ng Ramaḍān dala ng pananampalataya kay Allāh at dala ng paniniwala sa pagkatungkulin ng pag-aayuno at anumang inihanda ni Allāh (napakataas Siya) para sa mga nag-aayuno na masaganang mga pabuya at gantimpala habang nagpapakay ng kaluguran ng mukha ni Allāh, hindi dala ng pagpapakitang-tao ni pagpaparinig sa tao, patatawarin sa kanya ang mga nagdaang pagkakasala niya.