+ -

عَنْ أَبَي قَتَادَةَ رضي الله عنه أنَّهُ طَلَبَ غَرِيمًا لَهُ، فَتَوَارَى عَنْهُ ثُمَّ وَجَدَهُ، فَقَالَ: إِنِّي مُعْسِرٌ، فَقَالَ: آللَّهِ؟ قَالَ: آللَّهِ؟ قَالَ: فَإِنِّي سَمِعْتُ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ:
«مَنْ سَرَّهُ أَنْ يُنْجِيَهُ اللهُ مِنْ كُرَبِ يَوْمِ الْقِيَامَةِ فَلْيُنَفِّسْ عَنْ مُعْسِرٍ أَوْ يَضَعْ عَنْهُ».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 1563]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Qatādah (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay humanap sa isang nagkautang sa kanya ngunit nagtago ito sa kanya, pagkatapos natagpuan niya ito kaya nagsabi ito: "Tunay na ako ay nagigipit." Kaya nagsabi siya: "Sumpa man kay Allāh?" Nagsabi ito: "Sumpa man kay Allāh!" Nagsabi siya: "Sapagkat tunay na ako ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
'Ang sinumang nagpagalak sa kanya na magligtas sa kanya si Allāh mula sa mga pighati ng Araw ng Pagbangon, pumawi siya [ng pighati] sa isang nagigipit o mag-alis siya ng utang nito.'"}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 1563]

Ang pagpapaliwanag

Si Abū Qatādah Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya) ay naghahanap ng isang nagkakautang sa kanya na nagkukubli sa kanya saka natagpuan niya ito. Kaya naman nagsabi ang nagkautang: "Tunay na ako ay nagigipit. Wala akong salapi para ipambayad ko sa utang sa iyo."
Kaya nagpasumpa rito si Abū Qatādah (malugod si Allāh sa kanya) kay Allāh na wala itong yamang taglay nito.
Kaya sumumpa naman ito kay Allāh na ito ay tapat sa sinasabi nito.
Kaya nagsabi si Abū Qatādah (malugod si Allāh sa kanya) na tunay na siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Ang sinumang nagpagalak sa kanya at nagpatuwa sa kanya na magligtas sa kanya si Allāh mula sa mga pighati ng Araw ng Pagbangon, mga kasawiangpalad dito, at mga hilakbot dito, pumawi siya [ng pighati] sa isang nagigipit sa pamamagitan ng pagpapatagal at pagpapaliban ng pagsingil sa utang o magpatawad siya ng isang bahagi ng utang o kabuuan nito."}

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Swahili Thailand Pushto Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagsasakaibig-ibig ng pagpapalugit sa nagigipit hanggang sa kaluwagan o ang pag-aalis ng utang sa kanya sa kabuuan nito o bahagi nito.
  2. Ang sinumang pumawi buhat sa isang mananampalataya ng mga pighati sa Mundo, magpapawi si Allāh sa kanya ng mga pighati sa Araw ng Pagbangon. Ang ganti ay kabilang sa uri ng gawain.
  3. Ang panuntunan ay na ang mga gawaing tungkulin ay higit na mainam kaysa sa mga gawaing kusang-loob subalit sa ilan sa mga pagkakataon, ang gawaing kusang-loob ay higit na mainam kaysa sa gawaing tungkulin. Ang pagpapatawad ng utang sa nagigipit ay gawaing kusang-loob. Ang pagtitiis sa kanya, ang paghihintay, at ang hindi muna pagsingil ay gawaing tungkulin. Ang gawaing kusang-loob ay higit na mainam kaysa sa gawaing tungkulin dito.
  4. Ang ḥadīth ay hinggil sa karapatan ng sinumang naging nagigipit kaya naman ito ay mapagpapaumanhinan. Hinggil naman sa nag-aantala na may pera naman, nasaad nga buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay nagsabi: "Ang pag-aantala ng mayaman ay kawalang-katarungan."