عن أبي مسعود البدري رضي الله عنه قَال: قَالَ رَسُولُ اللَّه -صَلّى اللهُ عَلَيْهِ وسَلَّم-: «حُوسِب رجُل ممن كان قَبْلَكُمْ، فلم يُوجد له من الخَيْر شيء، إلا أنه كان يُخَالط الناس وكان مُوسِراً، وكان يأمُر غِلْمَانَه أن يَتَجَاوَزُوا عن المُعْسِر، قال الله عز وجل : نحن أحَقُّ بذلك منه؛ تَجَاوزُوا عنه».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Mas`ūd Al-Badrīy, malugod si Allāh sa kanya: "May tutuusing isang lalaking kabilang noon sa nauna sa inyo ngunit walang natagpuan sa kanya na kabutihan na anuman malibang siya noon ay nakikihalubilo sa mga tao. Siya noon ay nagpapaluwag. Nag-uutos siya noon sa mga utusan niya na magpaumanhin sila sa nagigipit. Nagsabi si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan: Kami ay higit na karapat-dapat doon kaysa sa kanya; magpaumanhin kayo sa kanya."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Ang "May tutuusing isang lalaking..." ay nangangahulugang tutuusin siya ni Allāh, pagkataas-taas Niya, sa mga gawa niya na nauna niyang ginawa. Ang "kabilang noon sa nauna sa inyo" ay tumutukoy sa mga naunang kalipunan. Ang "ngunit walang natagpuan sa kanya na kabutihan na anuman" ay tumutukoy sa mga matuwid na gawaing nakapagpapalapit kay Allāh, pagkataas-taas Niya. Ang "malibang siya noon ay nakikihalubilo sa mga tao at siya noon ay nagpapaluwag" ay nangangahulugang nakikipagtransaksiyon siya sa kanila sa pamamagitan ng mga pagtitinda at pagpapautang yayamang siya noon ay mayaman. Ang "Nag-uutos siya noon sa mga utusan niya na magpaumanhin sila sa nagigipit" ay nangangahulugang nag-uutos siya sa mga utusan niya sa panahon ng pagsingil ng mga pautang na nasa mga tao na magpakaluwag sa nagigipit na maralita na nagkautang, na walang kakayahang magbayad sa pagsingil sa pamamagitan ng pagpapalugit dito hanggang sa makaluwag, o magpatawad dito sa pagkakautang. Ang "Nagsabi si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan: Kami ay higit na karapat-dapat doon kaysa sa kanya; magpaumanhin kayo sa kanya" ay nangangahulugang nagpaumanhin si Allāh sa kanya bilang pabuya sa kanya sa pagmamagandang gawa niya sa mga tao, sa kabaitan sa kanila, at sa pagpapagaan sa kanila.